Kabanata 1 - Ana at Lester

12 0 0
                                    

POV ni Ana

Simula bata'y kilala ko na si Lester. Mabait, maunawain, ngunit masyado siyang mahiyain. "Ana! Ana! Laro tayo!" May halo pang silip ang kaniyang sigaw sa aming bintana. Sabik na sabik rin naman akong makipaglaro sa kaniya kada tapos ko ng tanghalian at halos araw-araw na rin akong napapagalitan ni ina dahil laro agad ako pagkakain.

Tulad nga ng sinabi ko, mahiyain si Lester kaya ako lang ang kaniyang gustong kahalubilo. Nawawala siya agad kada-6 ng gabi. Strikto siguro nanay niya..Ewan, basta magkikita ulit kami bukas.

-Wakas ng POV ni Ana-

Disiseis anyos na sila ngayon, magtatapos na ng baitang 10. Ngunit hindi nawawala ang kanilang kaluluwang bata. Tuwing uwian sinasalubong sa gate ni Lester si Ana na may dala-dalang pitas na bulaklak na kinuha niya sa tabi-tabi at ibinibigay kay Ana na may ngiting abot tenga. Pagkatapos, uuwi muna upang magpalit ng damit at deretso na sa ilalim ng punong Narrang matagal na nilang tambayan upang magpahinga at magkwentuhan.

"Alam mo Ana, ang ganda mo palagi. Kung makikita mo lamang ang nakikita ko, makikita mo ang perpekto." Sabi ni Lester "Ohooooooy, ano ang nakain mo ngayon Lester?" Sagot naman ni Ana "Crush mo ako no?" Dugtong pa niya. "Ana, Sa araw na hindi kita kasama ako ay nanghihina, sa mga ngiti mo na kayang bumuo ng araw ko at sa mga mata mong kay gandang kayumanggi na kaya kong titigan kahit kailan. Hinahangaan kita, Ana." Tugon ni Lester.

Napangiti na lamang si Ana dahil wala siyang masabi sa biglaang pag-amin ni Lester. Sapagkat, inilabas niya ang kaniyang selpon at kumuha ng litrato nila ni Lester. "Ililimbag ko ang litratong ito at mamarkahan ko. 5/19/25" memorableng araw ito para sa dalawa.

Pagkakalimbag ni Ana ng litrato ay idinikit niya ito sa kaniyang salamin sa gano'y ngiti ang bungad ng kaniyang umaga.

Kilig at tili ni Ana'y rinig at tanaw ng kaniyang ina sa labas ng kaniyang silid.

"Oh Ana, ano ang dahilan ng pagtili mo dyan?" Tanong ni Ami, kaniyang ina.

"Ay ina, hehehe. Natutuwa lamang po ako sa litratong kinuha namin ni Lester kahapon." Sagot ni Ana.

"Sino si Lester? Hindi mo siya nakkwento sa akin ha. Dalaga ka na anak hahaha" Tanong at dugtong pa ni Ami.

Lumapit si Ami upang tingnan ng mas malinaw ang litratong ikinatutuwa ni Ana.

"Ganito kasi iyon, ina..

Si Lester ang aking first love. Ang lalaking unang bumihag ng puso ko. Siya ang pinakapaborito kong tanawin na aking nakikita. Kung ilalarawan ko siya ina hmmm... masasabi ko isa siyang bulaklak. Hindi ko masabi kung anong tiyak na bulaklak sapagkat ang lahat ay kabigha-bighani, tulad ng aking Lester.

Sa una, wala ka pang makikitang ganda kaya't ang iyong pangangalaga ay kailangan niya. Iyan ang una mong gagawin upang makilala ang taong iyong gustong kilalanin.

Matapos mong mapuno ng tubig, pasensya at pangangalaga, unti-unting bubunga ang kaniyang tanging gandang matagal niyang itinatago sa loob.

Siya ang kadahilanan ng aking pagbangon sa araw-araw simula nung musmos pa ako ina. Lagi kaming naglalaro noon, simangot na simangot ka pa nga dahil inaaraw-araw ko ang paglabas. Buti nalang talaga may piiiiiinakamabait akong ina sa buoooong mundo.

Yang litratong yan ina ay kinuha ko kahapon sa ilalim ng tambayan namin. Bisitahin mo kaya ina? Masarap at presko sa pakiramdam ang hangin doon. Maganda ring tulugan at mangain ng prutas sa ilalim ng punong iyon. Isa pa, malapit lang yan sa bahay natin. Konting lakad lakad lang at nandun ka na."
May halo pang kilos ang pagkukwento ni Ana.

"Lugod kong ikasasaya ang makabisita dyan anak, subalit may dapat akong sabihin sayo ngayon na."

Nagbago ang ihip ng hangin at tumindi ang tensyon sa loob ng pamamahay ni Ami.

Sugat Ng NakaraanWhere stories live. Discover now