Kabanata 2 - Lester?????

5 0 0
                                    

"Nalulungkot akong sabihin ito, pero walang Lester na tinutukoy mo sa litrato, Ana.."

"Ina, anong sinasabi mong walang Lester? Ayan siya oh sa tabi ko."

"Anak ikaw lang yan na nakangiti sa ilalim ng puno."

"Huh???" "Ina, ako ba'y hindi mo naiintidihan? Ako ba ay niloloko mo? Andyan siya sa tabi ko.." Paiyak at pasigaw nang ipinagpipilitan ni Ana na mayroong Lester sa tabi niya..

Ngunit wala..imahinasyon lamang ang lahat ng ito ni Ana. Hindi totoo si Lester. Siya lang ang gumagawa at nagpapatotoo sa Lester na sinasabi niya.

Matapos ang diskusyunan sa silid ni Ana, agad na tumakbo palabas si Ami. Lumuluha at gulong-gulo na rin siya sa pangyayari.

Ano nang nangyari sa anak ko?? Bakit siya nagkakaganito?? Nalulungkot ako para sa anak ko dahil sobrang saya niya at sinira ko ang lahat..papaano na ito?? Ano na ang gagawin ko??

Yan ang paulit-ulit na umiikot sa ulo ni Ami.


Ilang Linggo ring walang kibuan ang mag-ina kahit nasa loob sila ng iisang bubong dulo't ng pagaaway nila tungkol kay Lester.

Pinabayaan at binigyan naman nila ng distansya ang isa't-isa.

Isang araw, Hunyo 23, umunang kumilos si Ami upang subukang makipagbati kay Ana.

Maaga siyang bumangon upang paghandaan ang araw na iyon. Nagluto siya ng adobong baboy at manok, paboritong ulam ni Ana. Bumili siya ng dalawang kilong hinog na mangga at mga paboritong kutkutin niya.

[11:30 am]
Tumaas patungong silid ni Ana si Ami.

*katok* *katok*

"Magandang tanghali anak, ipinaghanda kita ng mga paborito mong pagkain. Sana ay mapatawad mo ako sa aking mga nasabi noon. Humihingi ako ng tawad sa mga nasabi ko sayo at kay Lester. Mahal kita anak"

Magandang bungad ni Ami kay Ana.

Pagkamulat ni Ana ay sinalubong niya ng ngiti ang kaniyang ina.

"Magandang tanghali ina, hindi ko na namalayang tanghali na pala. Ang sarap kasi ng tulog ko."

"Mag-ayos ka na at bumaba ka na, kakain na tayo ng dabes adobo in the world."

Humagikhik ang dalawa at sumagot si Ana.

"Opo nay love u too"

Sabay na kumain ang mag-ina at bumalik na sa dati nilang pagsasama.



Makalipas ang tanghali, puno ng kaba si Ami na tila bang may nagawa siyang mali.

"Anak, patawarin mo ako sa ginawa ko. Kailangan ang lahat ng ito upang sa gano'y hindi lubos na lumala ang iyong sakit. Para sa ikabubuti mo 'to anak."

Planado na lahat ni Ami ang 'Hunyo 23'. Mayroon siyang gamot na makapagpapabuti ng lagay ni Ana. Bago pa sila kumain ay isinuksok niya na ang gamot sa ulam na kaniyang inihanda para kay Ana. Pero kakailanganin niya itong araw-arawin para sa mas mabuting paggaling ni Ana.

Pagkatapos kumain ni Ana'y okay okay pa ang lagay niya. Nakapanood pa siya ng telebisyon ngunit sa ilang mga minutong lumipas siya ay inantok. Pumanhik siya at dumeretso agad sa higaan. Pansin ito ni Ami.

Natural na epekto lang yan Ami. Kumalma ka. Gumagana ang gamot, kalma.

Sabing pagpapakalma ni Ami sa kaniyang sarili.


Nagising na si Ana matapos ang isang oras na pagkakaidlip.

"Sobrang sakit ng ulo at sobrang hilo ko..masama yata ang gabing-gabi na matulog. Hayss"

Hapon na at oras na ng pagkikita nila ni Lester sa kanilang tambayan. Pero pinili ni Ana na manatili sa bahay dahil sa kaniyang masamang pakiramdam. Sinulatan niya na lamang si Lester ng letra ng pagpapaalam sa pagliban ng isang Linggong pagkikita.

 Sinulatan niya na lamang si Lester ng letra ng pagpapaalam sa pagliban ng isang Linggong pagkikita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kokonti lamang ang naging laman ng letra bunga ng pagkahilo ni Ana.

"Pangako pupuntahan at hahanapin kita, sinta." Huling bulong ni Ana bago ang kaniyang pagkatulog.

Sugat Ng NakaraanWhere stories live. Discover now