Kabanata 3 - Nasaan ka na?

3 0 0
                                    

[Makalipas ang isang Linggo]

"Sa wakas, bumubuti na rin ang aking karamdaman. Kamusta kaya ang aking sinta,
Oh Lester, matagal na tayong hindi nagkikita.
Isang Linggong pagkakulong ko habang ika'y malaya.
Saan kaya kita makikita?"

Hapon ang oras ng madalas nilang pagkikita. Agad-agad nag-ayos at lumisan si Ana upang hanapin si Lester.

Pinuntahan niya ang mga lugar na karaniwan nilang dinarayo't tinatambayan. Eskuwelahan, puno ng Narra at kalye nila Ana.

Paulit-ulit na sinilip at pinaghahanap ni Ana ang nag-iisang Lester ngunit wala. Wala siyang natagpuan kahit bakas ng kaniyang pagkatao.

"Araw-araw kong binabalik-balikan ang mga lugar na ito ngunit wala, hindi tayo nagkakatagpo."

Napalitan ng pag-aalaala, takot at kaba ang dating kilig, saya at ginhawa.

Ang dating araw-araw na paghahanap ay naging Linggo-Linggo.

"Itutuloy ko pa ba 'to? Parang gusto ko na sumuko.."

Nagpahinga ng isang araw si Ana sa paghahanap dahil nawawalan na siya ng pag-asa.

Napapabayaan na niya ang sarili niya dahil puro Lester..Lester...Lester.... na lamang ang tibok ng puso't isipan niya. Kulang-kulang na ang tulog niya. Minsa'y hindi na siya natutulog. Hanggang sa isang gabi..

POV ni Ana

Puro bulong ng boses ang naririnig ko. Hindi ko alam kung kani-kanino.

"pssspsssslangin moo" " naaanay mo" " kinuha si Lester"

Yan ang mga naririnig ko. Rinding-rindi na ako sa mga ito.

Bibigay na yung katawan ko. Para na akong maglalaho..

Pumikit ako ng sandali. May parang kumokontrol sa katawan ko. Hindi ko na alam. Pagod na ako..

-Wakas ng POV ni Ana-

Tumayo si Ana sa kaniyang pagkakahiga, hilong-hilo at gulong-gulong pinasok ang silid ni Ami.

"Ikaw, ikaw pala ang dahilan kung bakit..BAKIT NAWALA SI LESTER!"

Kumuha ng unan at iniharang sa mukha ng kaniyang ina hanggang sa mawalan siya ng malay at malagutan ng hininga.

Nawalan na ng malay si Ana sa sahig dulot ng hilo at pagod.

Sugat Ng Nakaraanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن