thirty-eight.

6 2 1
                                    

thirty-eight.

--

Dear Mamita,

You've been dreadfully good to me.

Hindi natin maipagkakailang naging mabuti ka naman sa akin kahit papaano. Sa katunayan, kung hindi ko ito sinusulat ngayon, hindi ko pa mawawari na mabuting tao ka pala.

Katawan ko ang kapalit ng bawat pagkaing hinahain mo sa harap ko, pero mabait ka sa lagay na pinapakain mo pa ako ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.

Katawan ko ang kapalit ng pera na ibinibigay mo sa akin tuwing umaga, pero mabait ka sa lagay na binibigyan mo pa ako ng pera kahit hindi ko alam kung saan ko igagastos ang mga binigay mo.

Katawan ko ang kapalit ng pagtulog mo sa kwartong may bakas ng pagkadumi ng aking pagkatao, ngunit mabuti ka sa puntong minsan mo akong kinupkop at inalagaan sa loob ng hindi man bahay ay minsan ko namang natawag na tahanan.

Higit sa lahat, binayaran mo ang ama ko nang minsan siyang kumatok sa pinto ng bar na pagmamay-ari mo para ibenta ako't maging isa sa mga kaladkaring-babae na trabahador mo, pero mabait ka sa puntong inilayo mo ako sa ama kong sumira ng pagkatao ko, ngunit hindi kita mapapatawag sa puntong inilayo mo ako para lang sirain ulit.

At ang kongklusyon ng sulat na ito ay para ipaalala sa sarili kong minsan kong binenta ang sarili ko para makatikim ng aruga mo.

Kaya pasensya na kung galit ako sa 'yo.

Nagmamahal,
Badflower

--

asereneko.

CLOCKSWhere stories live. Discover now