twenty-eight.

8 2 4
                                    

twenty-eight.

--

"Open the door," utos ni Aoe kay Clocks na nag-aayos na naman ng orasan.

Sa ilang araw na naroon siya, puro na lang pag-aayos ng orasan ang inaatupag ni Clocks. Bagay na bagay nga ang pangalan niya sa kaniya, mukha siyang orasan.

"Where do you think you're going?" sagot ni Clocks sa kaniya na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Nakatutok lang ang mga mata sa pyesa na hawak nito.

"Out. Paano ako mabubuhay ng mapayapa kung ikukulong mo ako rito?" pabalang na sagot ni Aoe bago dinampot ang nakitang payong sa isang tabi.

"Mamamatay ka kung hindi mo ako kasama."

"Ganoon pa rin naman. Kahit kasama kita, pakiramdam ko, bangkay pa rin ako. There is no difference, so let me out. I want to end this shit."

Clocks sarcastically laugh. "By what? Hunting the maker of the pendelum clock? Bago mo pa mahanap, naubusan ka na ng oras."

Napalingon si Aoe sa pendelum clock na tinutukoy ng kaniyang kasama saka napalunok. "Hindi naman 'yan mababawasan hangga't hindi ako nagpapakamatay diba?" paniniguradong tanong niya.

"Hindi nga, pero hindi rin naman araw-araw may papatay sa 'yo."

"Then kill me. Kung may kakayahan kang pigilan ang kamatayan ko, may kakayahan ka ring patayin ako."

Hininto ni Clocks ang kaniyang ginagawa bago sinalubong ng tingin ang mga titig sa kaniya ni Aoe. "You'll never wake up again once I kill you, Aoe. Do you want to die permanently?" walang emosyong tanong nito.

Inis na nagulo ni Aoe ang kaniyang buhok. "Sa dinami-rami kasi ng tao na pupwede mong sumpain, bakit ako pa? Anong magic ba ang ginamit mo? Pwede bang bawiin mo na? Hindi na kasi ako natutuwa."

"You wished for it."

"What?"

"To be immortal."

"Kailan? Ayaw ko na ngang humaba pa ng sobrang tagal ang buhay ko ngayon, immortal pa kaya? Tangina, mapagod ka, Clocks," inis na inis niyang sagot. Kung pwede lang na ihampas niya ang hawak niyang payong sa kaniya. "Isa pa, hindi naman 'to immortality. Tangina talaga. Kung immortality pala 'to, bakit may pendelum clock?"

Inis na binaba ni Clocks ang hawak niyang orasan saka tumayo at hinarap si Aoe na kanina pa pikon na pikon sa kaniya. "May limitasyon ang lahat, Badflower, kasama na roon ang pasensya ko," inis niyang wika rin.

"Isa pang Badflower, kakaltusan kita."

"Badflower."

At nang akmang hahampasin na talaga ni Aoe si Clocks ng payong, lalo lang siyang nainis nang tunagos ang ang payong kay Clocks. Oo nga pala. Hindi niya mahawakan si Clocks, pero kaya siyang hawakan nito.

"Nakakapikon ka. Mamamatay na lang ako kung ikaw naman ang makakasama ko habang buhay," mangiyak-ngiyak sa inis na sabi ni Aoe.

When Aoe was about to open the door, Clocks suddenly pulled her hands away and pinned her against the wall near the door.

"Ang tigas ng ulo mo," pikon na sita ni Clocks.

"You know, I'm a prostitute. Hindi ako matitinag sa ganito mo," walang emosyong sagot ni Aoe sa kaniya na tila walang epekto ang ginawa ni Clocks sa kaniya.

"I know. Manahimik ka riyan at hintayin mo akong matapos mag-ayos ng orasan. Sasama ako."

He let her go before moving back to the seat and start fixing the wall clock again.

Nagulo na lamang ni Aoe ang kaniyang buhok. "Noong nakaraang araw mo pa ginagawa 'yan! Just give up and accept the fact that you can't fix clocks, Clocks!"

But Clocks didn't respond and all Aoe could do is sit still and wait.

--

asereneko.

CLOCKSWhere stories live. Discover now