twenty-one.

8 2 6
                                    

twenty-one.

--

Tulala si Aoe habang nakaupo sa waiting shed ng isang bus stop. Hindi niya alam. Hindi siya namatay ngayon, wala siyang tulog, wala rin siyang planong sumakay ng bus dahil literal siyang walang pera. Hindi na niya alam kung anong gagawin. Wala na siyang alam.

Kagabi, habang hinahanap ang bahay ng kaniyang ina, natagpuan niya ang kapatid niyang nakalupasay sa gitna ng kalsada na walang dumadaang sasakyan, walang habas na sinasaksak ng isang lalaki na walang pakialam kung natatalsikan siya ng dugo.

Siguradong-sigurado siyang kapatid niya 'yon. Iyon lang ang kapatid niyang kamukhang-kamukha niya't may balat na parang letrang "B" sa kanang braso nito.

Imbes na matakot o tumakbo palayo, napako na lang siya sa kinatatayuan niya, parang nanigas. Parang ang bigat-bigat ng mga paa niyang may sariling isip at piniling huwag tumakbo. Nanatili lang siya roon, nakatayo, nanonood, hanggang umalis ang lalaki at iniwan ang lasog-lasog na bangkay ng kapatid niya, napaalis na lang siya't hindi na binalikan at itinuloy ang planong pag-uwi kung saan napadpad naman siya sa isang waiting shed.

Pinagtitinginan na siya ng mga tao, pero wala siyang pakialam. Hindi naman nila siya maiintindihan. Maraming nagbigay ng kanilang barya sa kaniya, ang iba naman ay nagbigay ng pagkain, pero nanatili siyang walang kibo, nakatulala... inaabangan ang kamatayan niya.

Hanggang isang lalaki ang huminto sa harap niya. Hinawakan nito ang bandang baba niya't pinatingala siya upang magsalubong ang tingin nila. Kapwa walang bahid ng emosyon na tiningnan ang bawat isa. Blangko na tila nangingilala.

Hanggang sa binitiwan siya ng lalaki at sinipat ang oras sa hawak nitong hand clock. "Badflower," mahinang tawag nito sapat lang para marinig niya.

Muling napaharap si Aoe sa lalaki na sinalubong ang tingin niya sabay ngisi. Ibinalik nito ang kaniyang hand clock sa bulsa bago umalis na walang sabi.

Pero, teka. May mali.

"Clocks..." bulong ni Aoe sa sarili bago napahawak sa sariling ulo.

The man's left eye looks like a clock. Aoe suddenly collapsed and died.

Oh, I died.

--

asereneko.

CLOCKSWhere stories live. Discover now