eighteen.

6 2 2
                                    

eighteen.

--

Dear Diary,

Nagmamadali akong mag-impake ng ilang pirasong mga gamit ko kanina habang nasa bar. Sinisigawan pa nga ako ni mamita na pinipigilan ako pero hindi talaga niya ako mapigilan. Nanginginig, humahagulgol, nagmamadali. 'Yan ang eksena ko kanina na kahit si Ate Sho ay walang magawa kundi tulungan akong umalis bitbit ang kakarampot na pera at iisang bag.

Kahapon, namatay ang isang costumer ko habang kausap ko siya, mga alas-nwebe ng gabi, sa bar. Pagka-alas-dose, namatay ako dahil sa paghampas ng bote sa ulo ko na hindi ko mawari kung sino. Pagka-alas-sais ng umaga, nagising ako sa kinauupuan ko mismo.

Doon ko na-realize na baka tama ang sinasabi ni lola. Baka totoo na sa tuwing namamatay ako, may mamatay din na may koneksyon sa akin.

Kaya kailangan kong magmadali. Kailangan kong puntahan ang mga kapatid ko kay mama kahit ayaw niya ako roon.

Nasa bus,
Badflower

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon