Part 23 - Christmas Party

114 6 5
                                    

"Agot, pakisalansan nitong exchange gifts sa ilalim ng Christmas tree," ani Lenlen sa kaibigan. Pagkatapos ay si Cherry Pie naman ang nilingon niya. "Che, pasuyo nitong mga puto, pakihanapan ng puwesto sa table."

Kinuha ng dalagita ang inaabot ni Lenlen. "Naks, sipag talaga ni Madam President."

•••

Pumiwesto si Lenlen sa may pinto para salubungin ang iba pang kaklase. 

Ngayon na ang Christmas party ng klase nila. Pagkatapos nito ay Christmas break na. January 8 na ulit ang balik.

"Hi, Lenlen." Napapitlag ang dalaga nang mapagsino ang tumawag sa kaniya. Si Bongbong. May bitbit itong isang kahong sa tantiya niya ay ube cake ang laman. Kasunod ng binata ang driver nito at isa pang bodyguard na may bitbit na dalawang case ng coke.

"Oh, tinotoo mo talaga ang pagdadala ng ube cake. May dala nang mango graham cake si Imee, eh." Akmang kukuhanin ni Lenlen ang kahong hawak ni Bongbong pero mas hinigpitan iyon ng binatilyo. "Ako na. Ayokong mahirapan ka." Kinindatan niya si Lenlen sabay pasok sa classroom.

Naiwan si Lenlen sa may pinto habang nagpoproseso ng sinabi ni Bongbong.

•••

Nauna na ang kainan na sinundan ng munting programa. Nang malapit nang matapos ay bigayan naman ng exchange gift.

Picture frame ang nakuha ni Lenlen.

"Halatang pinag-isipan ng classmate natin 'yan, ah," ani Agot habang nakatingin sa picture frame. "Biruin mo, naisip niyang ipang-exchange gift ang picture frame. Bago ’yon, ah."

Namaywang si Cherry Pie. Inginuso nito ang bibig. "Aamin na nga ako. Sa akin galing 'yan. Ako ang nakabunot kay Lenlen." Naghalukipkip ito ng mga kamay at umiwas ng tingin na para bang nahihiya.

Awtomatikong nagsalubong ang tingin nina Agot at Lenlen na sinundan ng malakas na halakhakan.

"Nakakainis. Akin na nga 'yan. Papalitan ko na lang," asik ni Cherry Pie.

Iniwas ni Lenlen ang kamay na may hawak na picture frame. "Oy, huwag na. May mapaggagamitan ako nito for sure. Itatabi ko muna." Isinuksok ng dalagita ang frame sa malaking plastic bag na bitbit.

"Sure ka, okay lang talaga sa 'yo?" may pangambang tanong ni Cherry Pie.

"Oo nga sabi," natatawang sagot ni Lenlen. Ibinuhol na nito ang malaking bag at itinabi sa desk. Isang mas maliit na bag naman ang kinuha niya. "O sige, maglilibot muna ako para mamigay ng regalo sa mga kaklase natin." Humugot siya ng dalawang pencil case at ibinigay kina Agot.

"Iba rin, may burda ng pangalan ko. Ikaw ang naglagay nito?"

Tanging tango lang ang isinagot ni Lenlen.

Sa paglilibot niya ay nakakuha siya ng positibong reaksiyon sa mga kaklase. Bakas sa mukha ng karamihan ang tuwa, liban kay Imee na tiningnan lang ang pencil case kaya walang choice si Lenlen kundi ipatong na lang ang bigay niya sa desk ng kaklase.

Kaunti na lang ang natitira sa pencil cases sa supot niyang dala. Ang kumpulan ng mga kaklaseng lalaki ang huli niyang pagbibigyan.

Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga bago dumiretso ng lakad.

"Wow! Salamat, Pres!" ani Mar na sinisipat ang regalong natanggap kay Lenlen. Tuwa rin naman ang nakapinta sa mukha nina Jejomar at Digong na nakatanggap ng parehong regalo.

Nabigyan na ni Lenlen lahat. Isang tao na lang ang hindi pa.

Si Bongbong.

Ibinuka ni Lenlen ang plastic at kinuha mula roon ang kaisa-isang bagay na natitira. Ang shoulder bag na kulay pula at berde na may burdang tigre.

Dreams Come True [BongLeni Fanfiction-On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon