Part 12

256 33 0
                                    


HINDI na kinailangang i-cast ang paa ni Keithlyn. Pilay lang ‘yon na kailangang bendahan at lagyan ng brace para hindi masyadang magalaw. Binigyan siya ng doktor ng antibiotic, antipyretic, at anti-inflammatory para sa pamamaga at lagnat.

Maliwanag na sa labas nang matapos ang kanyang konsultasyon. Pasan pa rin siya ni Ury nang ibalik siya sa hotel. Tila hindi ito conscious sa mga usisero’t usiserang humahayon ang tingin sa kanila habang papasok. Nang i-akyat ng food attendant ang breakfast ay muling umalis ng walang paalam ang binata.

Naiwang mag-isa si Keithlyn. Bumabagabag pa rin sa kanya na baka bigla na lang siyang abandonahin ng lalaki. Subalit nawala ang agam-agam niya nang magbalik ito dala ang ilang mga paper bags pagkalipas ng ilang oras. Damit ang mga iyon para sa kanya.

“Dalawang jeans, tatlong t-shirt, isang jacket, at apat na pares ng undergarments. Nanghula lang ako ng size. Bahala ka na.” Hinagis nito ang mga iyon sa kama. “Bumili na rin ako ng canvas shoes. Size seven ka ba?”

Wala sa loob na tumango siya. Nasorpresa sa pag-aabala nitong ibili siya ng mga personal na gamit.
“Salamat.”

“This is the last thing I can do for you. I’m leaving earlier than the plan.”

Keithlyn flipped out. “H-ha? Paano ako makakabalik ng US?”

Inilabas nito ang smart phone sa jacket. “Wala ka bang pamilyang matatawagan doon? Ipa-fedex mo ang passport mo para makakuha ka ng flight kung ayaw mong humingi ng tulong sa pulis at embassy.” Nag-isip ito. “Pero di pa rin maiiwasang kuwestiyunin ‘yon dahil wala kang arrival date dito.” 

Umiling siya. “Hindi mo naiintindihan. Wala na ‘kong aasahan pa doon. Nakabakasyon ‘yong landlord sa tinutuluyan kong apartment sa Dorchester. Tumawag na ko sa telepono pero answering machine ang sumasagot.”

Kumunot ang noo nito. “Mag-isa ka lang bang namumuhay?”

Kinagat niya ang labi at dahan-dahang tumango. “Kamamatay lang ng Mom ko four months ago. Kaya nga gusto kong hanapin ang nawawala ‘kong kapatid. I need to tell him that so he could mourn to her grave.”

Huminga muna ito ng malalim bago nag-usisa pang muli. “Kailan pa siya nawawala?”

“Thirteen years ago.”

He scorned. “That long? At alam mo ba kung saan siya hahanapin?”

“Sa totoo lang, wala akong ideya. Hindi ko na nga alam kung anong itsura ngayon ni Kuya Rhiley.”

Pumalatak ito. “What a pain.” Ury sighed. Padarag na naupo ito sa naroong sofa sapo ang noo. Mahabang katahimikan ang dumaan sa kanila bago ito nagsalita. “I can’t help you. And I have no means to help you if ever.”

Ngumiti siya dito. May halong lungkot. “No. Sobra-sobra na ang nagawa mo para sa akin. Masyado nang makapal ang mukha ko kung gagambalain pa kita. Aware ako sa abalang idinudulot ko sa’yo, Ury. Pero kailangan ko talagang makabalik ng Boston. Huli nang pabor ito.”

Hindi ito kumilos mula sa pagkakasandal ng ulo sa headrest. “Alright,” pamaya-maya ay saad nito himas ang baba. “Hihingi ako ng tulong sa isang kakilala para makakuha ka ng travel document.” Inangat nito ang smarthphone. May tinawagan sa kabilang linya. “Hello, Nitro. Do me a favor. Could you forge a passport? No, leech. It’s not for me. For a twenty year-old girl. Wait a second.” Tinakpan nito ang aparato at tumingin sa kanya. “Kukunan kita ng picture. It will be needed. Gagawin kang citizen dito ni Nitro para hindi na masyadong matrabaho. Good thing you’re an Asian and it’s not suspicious to consider you as immigrant. Mas madali ‘yon kaysa gamitin ang sariling identidad mo.” Di na siya nakahuma pa nang biglang kumislap ang camera ng smart phone.

LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now