Part 1

848 34 1
                                    

Houston, Texas

I see the color of the sky in red. When the dark comes, all turn into bloodshed.

Iminulat ni Mercury ang mga mata. Nasa loob siya ng isang bar. Maingay. Madilim. Mausok. Maraming tao. Nakasandal siya patalikod sa counter. Ang magkabilang siko ay nakapatong mismo doon. Humahayon ang paningin niya sa mga nilalang na walang inhibisyong sumasayaw ng malaswa at magaslaw sa dance floor. Ikiniling niya ang ulo. Sa daliri niya’y naroon ang isang dart na nilalaro ng kanyang mga daliri. Unti-unti niyang ibinuga sa bibig ang usok ng hinithit na sigarilyo.

“Hey! C’mon! Let’s dance.” Dalawang babae ang lumapit sa kanya. Bago pa mahila ng isa ang kamay niya, maagap na tinabig niya ang kamay nito.  He gave them a deadly glare enough to shut them up. Hindi na niya kailangan pang magsalita para ipagtabuyan ang mga ito. Takot na nagsi-atras ang mga ito at lumayo—nag-iwan ng mga weirdong tingin.

Walang pakialam si Mercury sa mga munting presensiya na ‘yon. Isa lang ang dahilan niya kung bakit siya naroon—Spike Mcjugal. Makikipagkita siya sa taong ‘yon.

“Can I borrow your lights?”

Di na niya kailangang lingunin kung sino ang nagsalita sa may kanang gilid niya. Narekognisa niya ang buo at pahinamad na boses nito. Idinuldol niya ang yosi sa ashtray sa kanyang tabi. Walang salitang dinukot niya ang lighter sa bulsa. Hinagis sa direksiyon nito na di niya pinagkaabalahang balingan.

“Whoops!”

“Spike, your tie is crook and the buttons of your shirt is not properly align. Disgusting.” Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang ginawa nitong pagsusuri sa sarili matapos sindihan ang sigarilyo sa bibig.

The guy laughed—a casual laugh for a criminal who had a bounty over his head. “I’m on a hurry.”

“You’re always in a hurry. Ganoon ba kahirap takasan ang Black Society?”

“No. Madali silang takasan pero mahirap silang patayin.”

Umismid si Mercury. “So, you’re killing your own team?”

Ginaya nito ang pagkakasandal niya sa counter matapos ibalik sa kanya ang lighter. “My team? I didn’t build that sh*t. Isang gabi, naroon ako, naroon sila, at naroon ang iba. Maaaring pare-pareho kami ng opinyon sa militar ng gobyerno pero magkakaiba kami ng layunin. Madalas din kaming magtalo tulad ng normal na tao. Hanggang sa nag-sawa ako sa diskusyon.”

“CIA, Black Ops, Black Society, at ngayon ano naman?”

“HYDRA,” walang ligoy nitong sagot. “One of the Nine Heads is inviting me to join HYDRA.”

“Tch. Good luck shaking the hand of a devil.”

Muli itong tumawa. “Nandoon si Jordan Cassidy. Di ‘yon magiging boring.”

“Nitro?” Pagak siyang tumawa. “Well, you can keep his head attach.”

“Ury… bakit gusto mo ‘kong makita?” seryoso nang tanong nito.

Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang jacket ang isang larawan. Inabot niya ‘yon dito. “Fabian Acosta. Forty-seven years old. Pure Spanish. May isang club akong sinusubaybayan sa Mexico na mismong pag-aari niya—VASHPYRE. Sinasabing may nagaganap ditong slave trading. I want to know if it’s related to her.”

“Hanggang ngayon ba naman hinahanap mo pa rin siya?”

Doon niya ito tiningnan. “At hanggang ngayon ba naman iyan ang tanong mo sa akin sa tuwing kumukuha ako ng impormasyon sa’yo?”

Spike Mcjugal grinned at him. Nasa thirties pa lang ito. Sharp jaw edge. Faint obscure eyes. And a hard body built. Madaling malaman na hindi ito pangkaraniwang nilalang sa unang tingin pa lang. Taglay nito ang aura ng isang sundalo. Ilang taon din itong sumabak sa mga digmaan. Isa sa mga humamon at humarap sa kamatayan. Di nakaramdam ng kuntento sa buhay at nakipagpatintero sa mga demonyo ng umahong impiyerno. Hindi lang nito iniligtas ang buhay na naapektuhan ng walang katapusang krimen. Kinailangan nitong bunutin ang pinakaugat para maiwasang muli ang pag-usbong. Kahit na ito pa mismo ang magbayad sa mga kasalanang ‘yon.

Saving is also an art of killing. An alchemy book said equal change for equal loss because life consumes life. Iyon ang pananaw nito na madalas nitong sabihin noon sa kanya.

Dumaan sila sa matinding pagsasanay sa ilalim ng taong ito. Nagsisimula pa lang sila noon sa HYDRA. Siya, si Tin, at si Copper. Nasa Black Ops pa ito noong mga panahong ‘yon. Isang grupo ng mga mersenaryong bayaran ng gobyerno. Walang alam ang organisasyong kinabibilangan nito sa eksistensiya ng HYDRA. But Spike Mcjugal knew a Lifter that he got connections with—CIA. They were partners in investigatory association when Spike Mcjugal—Halk Norton that time—killed the big boss.

Tumakas ito at nawala sa sirkulo ng awtoridad. Pagbalik ay taglay na ang ibang pangalan. Doktor sa laboratoryo ng isang pribadong intilihensiya. Sumusuri ng mga katawan. Nanggagamot. At kumikitil ng buhay.

Nagawa nitong makapasok sa Black Ops bilang command leader ng isang platoon nang magkaroon ng kaguluhan sa Iraq. Doon nila itong unang nakilala. Sa gitna ng isang giyera, kung saan ang mga naging pagsasanay nila ay talaga namang buwis-buhay.

Kinailangan nilang dumaan sa isang kapatagan na tinaniman ng mga landmines. Magkakapira-piraso ka sa isang pagkakamali. Kapag nakaapak ka, dumiskarte ka sa paraang nalalaman mo. Tulad niya na siyang sumabit sa kanilang tatlo sa huling paghakbang. Tapos na siya doon pa lang. Ikinonsidera nang patay ng mga kasamahan. Pero di niya tinanggap ang pagkatalo. Sa mga oras na ‘yon, kumbinsido siyang hindi doon magtatapos ang buhay niya.

Di puwedeng walang mangyari sa lahat ng naging pagtitiis at paghihirap niya. Gamit ang mga weights sa paa at kamay niya, nagawa niyang ipalit ang mga iyon ng dahan-dahan habang unti-unting inuusog ang talampakan sa inaapakang bomba. Inabot siya ng halos dalawang araw sa maingat na pagsasagawa ng operasyon na ‘yon. Sa paghuhukay at pagsasagawa ng mga planong tumatakbo sa kanyang isip. At nagawa niyang posible ang isang bagay na imposible.

Ang komento ni Spike, tadhana ang nilalabanan niya at hindi kamatayan.

Alam mo bang mas mahirap kalabanin ang tadhana kaysa sa kamatayan? Dahil sala-salabat ang guhit ng kapalaran. Ang takbo ng buhay ay mas masalimuot kaysa sa pagtatapos nito. At ikaw, Ury ang kaisa-isang assassin na nakalista na ang pangalan sa death list ng langit. But you twists that fate somehow. No one could have change fate. Nor demons. Nor Gods. Isa lang ang ibig sabihin no’n. Kontrolado mo ang destinasyon mo. At walang makakapigil sa’yo dahil sumusuong ka sa daang walang dead end. Hindi ang paraiso o ang impiyerno.

****

I'll post the next part tomorrow.

Thank you for reading!

LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें