43

16 5 0
                                    

Trixie's Pov

Nandito kami ngayon sa may arcade kemerut. Gusto ko kumuha ng isang plushie...pero hindi para sakin.

"Ayos ka lang, ate? Bat parang stress na stress ka d'yan?" Tanong ni Iya sakin. E pano, kulang nalang suntukin ko yung glass para makuha ko yung toy.

"Di ko makuha eh." Sagot ko dito. Dito ata mauubos pera ko eh.

"Try natin yung iba, kanina ka pa d'yan." Aya n'ya sakin. Ayoko nga, puro prutas yung plushie, gusto ko kunin.

"I remember someone gosh." Rinig kong sabi ni Trina na nasa right side ko. Kilala ko, kaya nga gusto ko kunin eh.

Nagfocus nalang muna ako sa pagkuha nito, desperada na akong  makakuha eh.

"Malapit na." Singit ni Aki sa may gilid ni Iya.

Kainis, andaya naman masyado nito.

Nagtry nalang ulit ako. Kulang nalang matanggal tong pangcontrol.

Nanlaki naman kaagad yung mga mata ko nang makuha nung claw yung isang fruit na plushie.

"Malapit naaaaaaa" sabi ni Iya.

Napatalon naman ako sa tuwa nang malaglag ito sa may butas. Finally, nakuha na kita...yung magiging amo mo nalang yung hindi.

"Saya yan?"

"Para kay Sungchan ba yan?"

"Sungchan? Bat parang ang shoti nung name...jowa mo, Trixie?" Nagulat naman ako sa tanong ni Trina sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Kapatid ko." Sagot ko dito. Hindi n'ya pala kilala si Sungchan? Kala ko kilala n'ya buong neo...pero kahit ako, ngayon ko lang s'ya nakilala.

Di na matanggal tong ngiti ko. Excited na akong mainis si Ten.

"Tara kain tayo." Aya ni Iya. Sakto namang tumunog tong tyan ko.

"Tara. Then after non, punta tayo park para makita n'yo yung place." Mukha namang exciting.

"Wait lang." Sabi ko sakanila at naglakad paalis. Hihingi lang ako ng paper bag para dito sa plushie, madudumihan s'ya eh.

Kahit maiinis s'ya dito, dapat special pa din.

Pagtapos kong humingi ng paper bag ay bumalik na ako. Malala na gutom ko.

You Belong With Me •Ten Lee•Where stories live. Discover now