42

16 5 0
                                    

Ten's Pov

"Ten baby, are you angry?" Mika asked. Wala kase talaga ako sa mood ngayon gawa nung kagabi. Bat ba affected na affected ako don. Edi hate me with all of your heart

"Ha? Hindi. May iniisip lang." Tugon ko habang nakatingin sa malayo. Di ko talaga alam yung tinitingnan ko eh.

"Yung sa ginawa ko ba nung nandon tayo sa company n'yo?" Tanong n'ya. Hindi nalang ako umimik. Kung saan nanaman mapupunta ang usapan.

"Well, she really deserve that. Anlandi n'ya kay--"

"Stop that, tapos na yon. Itikom mo nalang yang bibig mo." Walang gana kong sabi sakanya.

"Are you defending her?" Hindi ba talaga s'ya titigil sa kakagawa ng away?

"Makikipag away ka nanaman ba?" Tanong ko sakanya at tiningnan s'ya ng seryoso.

"No...I'm just asking." Mahinahon n'yang sabi. Buti nalang talaga wala sila mama, nasa company. Si Trina kase gumala mag isa kaya wala dito.

Trina's Pov

"Hi!!!" Bati ko kila Trixie ng may malawak na ngiti. Hays, bet na bet s'ya ng buong family.  Buti nga s'ya loyal eh...si Mika hindi. Oops

"Hello, Ms. Lee. Come on in!" Bati n'ya sakin at nagbow. Owemji, so respectful, I wanna cry. Di kase ganyan girlfriend ni kuya.

Ambango ng room n'ya wtf.

"We're outside the company. Call me Trina." Sabi ko sakanya at ngumiti muli. Na a-awkward-an na siguro s'ya...pero she'll get used to it naman.

"Wanna come with me?" Excited kong tanong sakanya. Sabi ko kay kuya gagala ako mag isa pero s'ya talaga ang main reason kung bakit ako umalis.

"Where?" Tanong n'ya sakin.

"Sa bahay." Biro kong sabi kaya nakita ko naman yung reaction n'ya. Alam ko namang gusto n'ya si kuya. S'ya yung nasa Facebook eh. Di ko nga ineexpect na magkikita kami.

"Biro lang. Punta tayo sa mall." Sabi ko at tumawa.

"Teka...bat ka nagtatagalog?" Confuse n'yang tanong.

"For business purposes lang yung English, ano ka ba. Tsaka, may taga France kase dun kaya kailangang English." Paliwanag ko sakanya. Kala n'ya siguro di ako marunong kase Thai ako. Di n'ya ba nakikita yung comments ko every time na nagpopost si kuya? Tagalog kaya ginagamit ko don.

"Trixie si Te--- ohmyghad." Bigla namang may pumasok kaya napatingin kami parehas. Si Rhia pala. Kilala ko s'ya syempre. We used to ship our brothers together kase nga mukha silang mga bakla.

"Sama ka?" Tanong ko sakanya.

"San? Baka mamaya dalhin mo kami sa dulo ng Thailand." Biro n'yang sabi kaya natawa kami.

"Mall tayo. Nga pala, si Akira?" Tanong kong muli. Ang cute non for real.

"Nasa room n'ya, nagd-daydream." Natawang sabi ni Rhia.

"Nawala si Trixie?" Patanong n'yang sabi kaya napatingin ako. Nasa gilid ko lang yon kanina ah?

"WAIT LANG, NAGPAPALIT AKO!" Sigaw n'ya galing sa may banyo. Hala sasama s'ya? Owemji, so shocking

Nagmumukha akong first time makaaya ng isang tao. Well, first girlfriend ni kuya si Mika and di ko naman s'ya naaaya kase nga ampanget ng ugali n'ya.

"Ano? Break na ba?" Tanong ni Rhia sakin at umupo sa sofa.

"Di pa nga eh. Pero greatful naman ako kung magb-break sila." Natawa naman s'ya sa sinabi ko at hinampas pa yung sofa. Grabe na talaga mga lahi ngayon, pati sofa pinag iinitan. Char

"Tara tara." Rinig kong aya ni Trixie kaya napatingin ako. Malaking pagkakamali pala talaga yung ginawa ni kuya na balikan si Mika. Tingnan mo naman oh. Yung lumalandi sakanya, mas maganda pa don.

You Belong With Me •Ten Lee•Where stories live. Discover now