21

15 7 0
                                    

Ten's Pov

"Sorry na, love." Panunuyo ko kay Mika. Hindi ko kase nasagot yung tawag n'ya kanina.

"Talaga bang sobrang halaga nung ginagawa n'yo?! Hindi kana nagfofocus sakin!" Sigaw n'ya.

"I'm so sorry, okay? Let's hangout tomorrow after ko pumunta ng company." Mahinhin kong sabi sakanya. Ganto din s'ya noon, sanay na ako.

Hindi na s'ya muling nagsalita at naglakad na paalis. Naiwan ako ditong nakatulala.

Napa buntong hininga nalang ako at umalis na sa kinatatayuan ko. Maaayos din naman siguro bukas. Gabi na din naman kaya uuwi nalang ako.

Trixie's Pov

Kamusta kaya si Ten? Kumakain kaya s'ya? Naliligo? Natutulog? Nagt-toothbrush? Nagsasabon? Nagsh-shampoo? Nagtatanggal ng tinga? Naglalakad? Tumatakbo?

"Noona, nakatunganga ka nanaman. Si hyung nanaman iniisip mo." Pagpuputol ni Sungchan sa mga iniisip ko. E sa gusto ko isipin, bat ba?

"Kulang kalang sa tulog. Matulog kana don." Dugtong n'ya. Di na ako nagsalita at tumayo ng parang robot. Talent kaya yon...siguro?

"Luh, parang tanga." Napalingon naman ako sakanya at tinitigan s'ya ng masama.

"Ginagawa ko sayo? Umakyat kana." Pagtataboy n'ya sakin. Ngina

Minsan mabait s'ya...minsan gusto ko s'ya batuhin ng plato. Minsan mukha din s'yang anghel...tas minsan mukha s'yang ibinagsak sa lupa dahil sa kapangitan n'ya. Charot lang

You Belong With Me •Ten Lee•Where stories live. Discover now