2

45 7 0
                                    

Trixie's Pov

"Nako, kung ako sayo, dalian mo na." E sa ayoko nga...bat ba ang kulit mo, Kim Youngmin?

"Nakakahiya." Maikli kong tugon. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop at naguusap. Tatlo lang kami since busy yung iba.

"Wala ka ngang hiya na makipaglandian sa Twitter at Facebook tas ganyan ka." Singit pa nito ni Ryou.

It's been so many years simula nung nagkakilala kami ni Ten. Nagkatrabaho na kami't lahat, hindi pa din ako nagpapakita kay Ten in person.

"Iba naman kase yon, mamsh." Iba naman talaga. Mas confident ako sa social media. Malay ko ba kung di pala magugustuhan ni Ten tong pagmumukha ko diba?

"Tanga, ganda ganda mo tas ganyan ka lang." Ay talaga? Maganda ako?

"Joke lang yan, teh. Wag ka maniniwala kay Youngmin." Aba tarantado to ah.

"Si Vivi pala, papunta na." Singit ni Youngmin. Ah pupunta din pala s'ya.

"Sila Klein?" Tanong ko. Malay mo makasama diba?

"Ay nako, wag mo na tanungin yung tungkol kay Klein." Sabi ni Ryou.

"Masyadong lulong sa trabaho n'ya eh." Dugtong ni Youngmin.

"Wala eh, matalino kaya ganyan." Sabi ko. Tamo nga ako, tambay sa bahay. Pero syempre, joke lang

"I'm here." Boses galing sa harapan namin. Oh, nandito na pala.

"Kamusta jowa mo? Pogi pa din ba?" Tanong ko sakanya. Naka jackpot tong si Klevi eh. Akalain mo yon, poging gentleman na may anger issues pero ayos lang kase cute naman yung boyfriend n'ya. Maliit nga lang...pero height doesn't matter, ganon din naman kase si Ten.

"Araw-araw namang pogi yon." Sagot n'ya. O edi sana ol.

"Owemji, hashtag no jowa si Trix." Pang aasar ni Ryou. Kahit kelan talaga tong babaitang to eh.

"Wala ka din naman dapat jowa ngayon. Who would have thought na mapupull mo si Mark." Sinamaan naman n'ya ako ng tingin kaya natawa ako.

"Because of my gorgeous, pretty, fantastic, elegant self." Proud n'yang sabi.

"Nga pala, push n'yo lang si Jeno at Hope. I believe in NoPe supremacy." Proud na sabi ni Ryou. Yawa bat naman ganan yung ship name nila.

"Yung ship name, amoy hindi magkakatuluyan." Nagtinginan naman silang lahat sakin at napatawa nalang. Amoy naman talaga...pero tiwala lang.

"Puro kayo kemerut. Tingnan n'yo ako, maganda lang." Mahangin na sabi ni Youngmin. Suntukin ko kaya to.

"Mas maganda pa nga sayo si Haechan." Pang aasar ni Klevi. Ay, sa true

"Wag ka nga. Sabi n'ya di na daw s'ya maganda." Ay, very impressive naman pala tong si Haechan.

"Straight era?" Tanong ni Ryou.

"Straight naman talaga s'ya, mukha lang na hindi." Tama naman...pogi kaya si Haechan...tapos sweet...o edi s'ya na sweet.

"Ang off nung topic...what if magbuhusan nalang tayo ng kape?" Walang kwentang suggest ni Klevi.

"Ikaw muna teh. Tas kunin ko jowa mo after mo gawin." Sagot ko kaya natawa naman sila. Igogora ko na talaga yan, pramis. Pero mas bet ko pa din yung taga Thailand ehe.

You Belong With Me •Ten Lee•Where stories live. Discover now