26

17 7 0
                                    

Trixie's Pov

Kasalukuyan kaming nasa dorm ng 127 ngayon dahil nag aya silang mag movie marathon. Hindi naman ako makahindi kaya ayan, sumama ako.

Nakapamili na din naman kami ni Aki kaya ayos lang. Sabi din ng boss ko na kahit daw hindi muna ako pumasok, ayos lang basta magawa ko yung mga damit.

"Yang, san ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Haechan kay Yangyang kaya napatingin ako. Hindi pa naman start since napili palang sila ng movie.

"Susunduin ko lang si Klein, hyung." Ay oo nga pala...ginabi na s'ya sa korte. Char

"Ingat ka." Agad naman kaming kumaway sakanya bago s'ya umalis. Sinusundo din naman ako...di nga lang minahal.

Agad namang nabalik yung atensyon ko sa pagtitig sa pader. Ngayon ko lang narealize na puti pala color n'ya at hindi white. Joke lang kase

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni kuya Johnny at umupo sa tabi ko. Tumango naman ako kahit nakatitig pa rin ako sa pader.

"Excited kana?" Nakangiti n'yang tanong sakin. Sinong maeexcite don.

"Gusto ko mag back out." Seryoso kong sabi kaya natawa s'ya.

"Dapat pag nandon na tayo tas if ever na makasalubong mo, dapat ipakita mong ikaw ay isang strong independent woman." With actions n'yang sabi.

"Di n'ya naman kilala mukha ko tsaka di naman ako strong." Independent kaya ako duh...

"Aww new couple yarn? Hashtag TriNny!" Tang-- ano daw? TriNny???

"Kitang may dinadamdam yung tao eh."

"Palitan mo si Chittaphon, Johnny hyung."

"Oo nga, mas matangkad naman si Johnny hyung."

"Gago, wala daw yan sa height."

"Tama tama. Tingnan mo si Vivi, nafall kay Renjun."

"Bat ako?!!"

Nagloading naman agad yung utak ko at napakamot nalang sa ulo. Di ako makasabay sa usapan nila.

"Ipapakulong ko kayong lahat." Biro ni kuya Johnny. Dapat kasama si Ten

Napapaisip nalang ako kung pano lumalangoy yung isda. I mean, andito kase yung aquarium ni kuya Ty. Syempre may lamang isda, alangan namang mag alaga s'ya ng bato.

"Mukhang gusto kainin ni Trix noona yung isda."

"Buti nga yung isda, gusto tas ikaw hindi."

"Alam mo ikaw, kanina ka pa."

"Kanina ka pa din. Inupuan mo yung hair clip ko walangya ka."

"May muscles kase yung pwet ni Jeno."

"Sakalin kita, hyung?"

Napasapok nalang ako sa mukha ko dahil sa kaingayan nilang lahat. Hanggang ngayon, di pa din sila nakakapili ng movie.

You Belong With Me •Ten Lee•Kde žijí příběhy. Začni objevovat