"I prefer being called Vivian." She corrected me.

I nodded again. Nakakahiya naman 'yon!

Vivian lang itatawag ko? Nakakahiya T_T

"Opo mahilig po ako sa necklace Miss--- ah Vivian."

Ngumiti siya at napunta ang tingin sa mga necklace.

"This negligee necklace suits you," kinuha niya ang necklace na kanina ko na rin tinititigan.

"Oh perfect! Bagay nga!" Nilapit niya lang ito sa leeg ko para isukat kung bagay ba, pagkatapos ay nilagay niya sa small empty box. Sabi niya mamili pa raw ako pero masyado na akong makapal. Ayoko na!

"Let's proceed to sandal area.."

Namilog na naman ang mata ko sa mga sandals.. ang gaganda!

"Feel free to pick," inikot ko ang buong tingin sa mga sandals, lahat maganda.. ang hirap mamili.

"This suits you better." Ani ng isang lalake sa likuran ko, agad akong lumingon kung sino 'yon. He is holding a pair of sandal.

"Why? You don't like it?"

Kumurap-kurap ako't agad na umiling. Natulala pala ako!

"Gusto ko 'to, pero ang mahal." Mas mahal ang sandal na ito sa binili kong damit.

"I'll buy this Vivian!" Umawang ang bibig ko sa lumabas sa bibig ni Zarden, sinigaw pa niya talaga!

"Sure.." sagot ni Vivian na nasa counter.

Inabot niya sa akin ang sandal.

Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit papunta sa counter, dala-dala ang ngiti kong napunta sa ngiwi.

Ang kapal ko na talaga! Nakakahiya na ni Zarden.

Habang pinapack ni Miss Vivian ang mga napili ko ay naalala ko ulit ang mga sinabi ni Miss Vivian sa akin kanina.

Halos mag iisang buwan na ang pagkakaibigan namin ni Zarden pero wala akong narinig na kwento tungkol sa pamilya niya.

Sa kanilang lima siya lang ang hindi masyadong nag-oopen up sa akin. Nag-oopen nga siya, sa schoolworks at sa mga bagay- bagay lang naman.

Gaano ba kabigat ang nasa loob mo Zarden at hindi mo masabi sa amin? Sa akin? Ayaw mo bang magkwento dahil ayaw mo? O ano?

Nakakapanghina bilang kaibigan ang makitang naglalaban siya mag- isa. Alam ko na tayo lang naman ang sarili natin ang makakatalo sa problema natin pero minsan kailangan mo rin ng taong mapapahingahan mo.. taong makikinig sa'yo.

"I'm happy that Zarden met a person like you, Naja." Napakurap ako't nilingon si Vivian na binabalot na sa bag ang sandals.

"P-Po?"

Tumigil siya at tumingin sa akin.

"Stay at Zarden's side, he needs you." Biglang kumalabog ang puso ko sa mga sinabi ni Vivian.

He needs me..

Nalilito man, kinuha ko na ang gamit na inabot sa akin ni Vivian at nagpasalamat.

Sa bawat hakbang palapit ni Zarden ay mas lumalakas ang tibok ng puso ko.

Nang makita niya ako, walang emosyon ang mukha niyang kinuha ang mga bag sa kamay ko. Pinilit kong ako na ang magdala dahil gamit ko naman iyon kaso nagpumilit siya.

Ako na rin ang nagpaalam at nagpasalamat kay Vivian dahil mukhang walang balak ang pamangkin niya.

Nasa park kami ngayon at naglalakad. Sabi niya iuuwi na raw niya ako pero nag- ayaw ako. Ayokong hayaang lumipas ang araw na ito na hindi niya sinasabi ang kalooban niya ngayon. Kasi alam kong may dahilan ang pag alok niyang ilibre ako.

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now