"maraming salamat po manong" nagpaalam na siya sa akin at ngayon habang hila hila ang maleta ko pumunta na ako sa reception desk para tignan ang room number ko.

"good morning maam may I help you?" magalang na bungad sa akin ng babae.

"ahh booking.." pag iinform ko sa kaniya.

"ahh wait.. kayo po ba si miss Luciana Villamor?" she ask na ikinatango ko naman.

"this way maam hahatid ko na po kayo sa magiging kwarto ninyo" sumunod naman ako sa kaniya at lumabas kami. para kasi siyang resort ang hotel na to at maliit lang. parang rest house din tignan pero ang ganda ng paligid.

"this is your room maam. if you need anything just call us in reception desk para massist po kayo kaagad" inabot niya naman sa akin ang susi ng kwarto ko at nagpaalam nang umalis. after she left nilibot ko ang kwarto ko at maganda siya. good for one person lang talaga siya at may sarili nang banyo.

naupo ako sa kama ko at isa isang tinanggal ang sapin ko sa paa. I need to rest.. mukhang napagod talaga ako sa byahe. akmang matutulog na ako ng marinig kong nag ring ang phone ko. I look at the caller ID at nakita kong si Mom ang tumatawag.

"hello mom?"

[how are you? nakarating kana ba diyan sa hotel?"] bungad niyang tanong. napangiti nalang ako dahil ramdam ko ang pagaalala sa boses niya.

"im fine mom. magpapahinga na sana ako but you called"

[oh.. im sorry anak. pahinga kanalang muna tatawagan kanalang namin ng daddy mo mamaya para makapag usap tayo"]

"ok mom bye"

[bye anak.. I love you]

"love you mom" after the call ended hindi ko na namalayan na dinalaw na talaga ako ng antok.

nagising ako ng maramdaman kong nagugutom na ako.  it's past 12am at simula nang makarating ako kanina hindi pa ako nakakain. naisipan ko nalang maglakad lakad sa labas para maghanap ng malapit na convenience store. mukhang wala na kasing tao sa restaurant area ng hotel.

after a long walk nakakita din ako ng 7/11 buti nalang uso din dito ito. pumasok ako sa loob at naramdaman ko ang lamig ng aircon ng store. pumunta ako sa drinks section at kumuha ng kung ano ano. mostly beer and soda din naman ang kinuha ko. kumuha nalang din ako ng chips at cup noodles. pina heat ko lang yung cup noodles para makakain na ako kaagad.

may ilan ilan din akong nakikitang tao na kumakain din katulad ko dito. mukhang naabutan din sila ng umaga sa daan at nag stop over na muna. pumwesto ako sa pinakasulok at nagsimula nang kumain.

tahimik lang akong kumakain at napapatingin sa labas ng store ng may mahagip ang paningin ko. mabilis akong napatayo dahil sa gulat at hindi alam ang irereact. Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ako pero nakita ko siyang dumaan.

mabilis akong tumakbo papalabas at hindi inalintana ang naiwan kong pinamili sa loob. Hinabol ko ang taong yun at nang makita ko ang likuran niya ay mabilis ko siyang hinawakan sa balikat.

"Sandali" pero ganon nalang ang pagkadismaya ko dahil hindi siya ito.

"miss?"

"ahh- sorry nagkamali lang.. ak-ala ko kasi kakilala ko" hingi ko ng paumanhin. napahawak naman siya sa batok niya dahil sa hiya.

"pasensya na po talaga" mabilis naman akong tumalikod at naglakad pabalik sa store.

ng makaupo ako halos hindi ko magawang igalaw ang kamay ko sa panginginig. segurado ako kanina na siya ang nakita ko. pero bakit. bakit hindi ko siya makita.

halos maihilamos ko na ang kamay ko sa mukha ko dahil sa inis. nawalan na ako ng gana kaya naisipan ko nalang na bumalik na sa hotel at magpahinga ulit.

pupuntahan ko din naman ang bahay nila bukas kaya okay lang. magkikita din kami ulit.

Hindi ko alam kong nakatulog ba ako o hindi ngunit matapos kong makabalik sa kwarto ko kaninang madaling araw hindi ako dinalaw ng antok. ngayon nakasakay ako sa taxi papunta sa resthouse nila stef. dumungaw ako sa labas ng bintana at amoy na amoy ko ang bango ng dagat. nakikita ko din ang mga ibang mangingisda na kakadating lang sa daungan.

"maam nandito na po tayo" nabalik naman ako sa ulirat ng marinig kong nagsalita ang driver. tahimik akong bumaba at napatingin sa malaking rest house na mukhang hindi na naalagaan hindi kagaya ng dumating kami dito noon.

kapansin pansin ang mga halamang tumutubo sa bawat parte ng pader at ang kinakalawang na gate.

Napatingin ako sa gawing parte ng bahay at parang bumalik sa akin ang alaala ng araw na nangyaring kailangan naming maghiwalay. hindi ko aakalain na yun na pa ang huling araw na makikita ko siya.

parang alaalang naririnig ko ang boses niya tinatawag ako. Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"aaron" bulong ko sa pangalan niya. iniisip ko na sa bawat bigkas ko ng pangalan niya ay dadating siya. na sa pagmulat ng mata ko nakangiting mukha niya ang una kong makikita. napatingin ako sa katabing bahay at mas lalo lamang itong lumuma.

napansin ko ang isang sasakyan sa tapat nito. dahil sa kuryosidad lumapit ako dito at nakita ko ang paglabas ng isang matanda sa lumang bahay.

naka suot ito ng suit at may hawak na case. mukhang napansin niya ako kaya napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin.

"may I help you miss?"

"itong bahay na to.. hindi po ba sa mga Salazar po ito?" I ask him. bigla siyang ngumiti sa akin at tumango.

"your right miss. but unfortunately binebenta na ito ng may ari" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. may ari?

"sino pong may ari?.." naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya.

"mga malalayong kamag anak ng pamilyang Salazar.. " napalunok ako dahil bakit nila ibebenta. hindi pwede. napatingin ako sa itaas kung saan ang pagkakaalam kong kwarto niya.

"aaron"bulong ko sa isipan ko.

"Excuse me miss I need to go. may aasikasuhin pa ako sa municipyo" paalam sa akin ng matanda at tinanaw ko ang papalayong sasakyan niya.

"nasan ka? magpakita ka sa akin. n-andito na ako" mahinang saad ko kasabay ng pagtulo ulit ng luha ko. hinawakan ko ang gate nila at walang pagdadalawang isip na pumasok.

hindi ko siya maramdaman sa paligid. wala akong maramdaman na presensya niya. halos katahimikan ang sumalubong sa akin. umakyat ako sa ikalawang palapag at ganon din. naisipan kong tumango sa kwarto niya at ng makapasok ako.

mga sirang gamit, nababalutan ng supot at mga kalat lamang ang sumalubong sa akin.

"wala siya" nahihinang saad ko at napaupo nalamang sa maalikabok na sahig. wala akong pake kung madumihan man ako.

ayaw kong magisip ng kung ano ano kung bakit wala siya dito. ayaw kong isipin na tuluyan na siyang wala. ayaw ko.

"Where are you....aaron"

Legacian Academy 2: The Moon GoddessWhere stories live. Discover now