CHAPTER 5

55 4 3
                                    

Engagement ceremony.

I want to die, right now.

Nah, I changed my mind I'm too beautiful to die, nevermind.

Mula kaninang umaga, busy na ang lahat ng tauhan sa loob ng palasyo, sa hall na nasa loob ako ay mas lalo pang naging busy, well today is the engagement ceremony anyways.

Nakahiga ako ngayon sa lounge chair sa likod ng palasyo ko, sa swimming pool area, umupo ako saglit at naglagay muli ng sunscreen sa katawan, naramdaman ko ang papalapit na yabag sa'kin.

"Good morning, My lady, here's your drink." Naerin said as she placed the drink in the table beside me.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakapikit, naka shades ako ngayon dahil maaraw, mamaya pa namang gabi ang start ng ceremony, mas excited pa sila sa akin.

Umirap ako, siguro sa mga minuto na ito ay cino-comfort na ni Efrain ang mga babae n'ya na kahit engaged na kami sa kanila pa rin s'ya uuwi, oh, napaka sweet, super sweet, enthusiastic, so nakakaingit I want to throw up na.

Umupo ako muli ng maayos saka sumandal, inabot ko ang juice na nasa gilid ko saka sumimsim sa straw nun, refreshing, Although tirik ang araw hindi masakit sa katawan kasi may glass roof sa itaas, kita lang s'ya pero hindi s'ya dama.

Tumayo ako, nadama ko ang lamig ng tiles dahil naka paa lang ako, tinangal ko ang robe na suot ko, two piece na lamang ang natira, hinawi ko ang buhok ko palikod saka naglakad sa dulo ng pool, tinangal ko ang shades ko saka hinagis sa lounge chair.

Tumalon ako sa pool at umikot bago nagsimulang lumangoy, papunta sa harap, umahon ako ng nasa kabilang dulo na ako saka lumangoy ulit papunta sa floater, umahon ako paangat saka humiga roon.

I feel relieved and relax, Mamaya kasi maststress na ako panigurado.

Dalawang oras ang tinagal ko sa swimming pool bago ko napag desisyunan na umahon na, lumapit ako sa table, kinuha ko ang towel at pinunasan ang katawan ko, saka sinuot ang extrang robe na pinahanda ko kanina.

Kinuha ko ang phone ko saka naglakad papasok sa loob, nag reready na ng lunch ang mga tao sa kusina.

"Pakidala ng lunch ko sa kwarto doon na lang ako kakain."

"Yes, My lady." Yumuko si Naerin saka dumiretso sa loob matapos ko s'yang lampasan at umakyat na.

Naglakad lakad ako hangang sa makarating sa kwarto ko, pumasok na ako sa loob, sa bawat galaw ko ay naalala ko kung anong meron ngayon mas lalo akong naiirita, sa totoo lang. Hindi pa umabot ng ilang minuto ay agad na bumukas ang pinto, pumasok si Naerin na dala ang cart ng pagkain.

Umalis din ito saka ako tumayo, tinapon ko ang cellphone ko sa table at saka tumayo, umupo ako sa upuan saka nagsimulang kumain ng tahimik, nang matapos ako ay pinindot ko ang bell para maligpit ang kinainan.

"I'll just take a nap, wake me up when it's time." I said as I went to my bed and sleep.

Umabot ng dalawang oras ang tulog ko bago ako nagising, nang magising ako ay abala na sina Naerin at Keva sa kwarto, nang makita nila ako ay yumuko sila.

"My lady, your dress is here." Naerin announced.

I rolled my eyes. "Where?"

Tumayo ako at sumunod sa kanila, naglakad kami papunta sa isang bakanteng kwarto, binuksan ni Naerin ang pinto sumunod ako sa loob, agad na bumungad sa'kin ang nakatayong dress, kitang kita ang sequins nito, kumikinang at agaw pansin.

"Ayan na 'yon?" Tanong ko, tumango sila.  "Not bad." Dagdag ko.

Umupo ako sa single couch na nasa harap, pinasadahan ko ng tingin ang dress, hmm, mukhang pinaghandaan nila ang dress na binigay nila ah, hindi halatang worker lang ang namili. Natawa ako sa sariling naiisip, tumayo ako at saka muling pinasadahan ng tingin ang dress.

NOBLE SERIES#4: A DEAL WITH A PRINCEWhere stories live. Discover now