Chapter 8

7.6K 432 27
                                    

HINDI niya maunawaan. Sinasabi ni Professor Armadillo na posibleng siya si Celtici sa panahon na ito. Na-reincarnate si Celtici sa katauhan niya. Posible ba talaga 'yon? Iyong mga panaginip niya, may koneksiyon kaya kay Celtici. Sino ba si Celtici?

"Who is she?" He inquired the professor who was seated across from her. They are now in the library.

"My ancestor is Portuguese, Baltasar Tavarez. He actually didn't get married after Celtici was killed. Ayon sa kuwento ng pamilya, iyong kapatid ni Baltasar Tavarez ang siyang pinagmulan na talaga namin. Siyang nagparami sa lahi. They were existed in the mid-18th century." Tumayo ang propesor at tinungo ang isang glass display box kung saan may lamang isang luma at makapal na libro. Binuksan nito iyon gamit fingerprint at kinuha mula roon ang libro. Bumalik ito sa kinauupuan.

Bumaba ang tingin ni Beatrix sa libro. It was a brown vintage hardbound book with a title Vintage Tale, printed on it. Binuklat ng propesor iyon. Sulat kamay ang laman at hindi iyon wikang Ingles.

"It was my ancestor's tale. Dito niya isinulat ang kuwento tungkol sa pagmamahalan nila ni Celtici. Ang pagmamahal niya kay Celtici." Hinaplos ng propesor ang pahina bago nag-angat ng tingin sa kanya.

"Gusto mo bang makita?" Marahang tumango si Beatrix. Inabot sa kanya ng propesor ang libro. Medyo mabigat iyon. Ipinatong niya sa kanyang hita at sinimulang tingnan ang unang pahina. Isa itong talaarawan.

"Oh," usal niya at hinaplos ang petsa na nakasulat sa kaliwang bahagi. 20 de Outubro de 1755. 18th century. Humaplos pababa ang kanyang mga daliri sa talata.

Eu tinha dez anos quando conheci a mais bela Elysian de cinco anos, que tinha olhos tristes.
(I was ten years old when I met the most beautiful five-year-old Elysian, who had sorrowful eyes.)

Unti-unti ang pagkunot ng noo ni Beatrix nang malinaw niyang maintindihan ang nilalaman ng talata kahit nakasulat iyon sa banyagang lengguwahe. Tumingin siya sa propesor.

"Portuguese ito tama?" The professor nodded.

"Nababasa ko. Nauunawaan ko kahit wala akong alam sa salitang Portuguese."

Gumitaw ang katuwaan sa anyo ng lalaki. "Dahil ikaw si Celtici. Sigurado na ako. Ikaw talaga Celtici."

Ibinalik niya ang tingin sa libro at ipinagpatuloy na basahin ang talata na higit pa niyang ikinamangha dahil walang hirap niyang naiintindihan iyon na para bang salitang tagalog lang iyon.

Mailap sa tao. Ayaw makipagkaibigan. Parang laging takot. Pero sa pagpupursige ko ay pumayag itong maging kaibigan ko. Nakuha ko ang kanyang tiwala. Lumaki kami nang sabay. Wala siyang ibang kaibigan kundi ako lang. Hanggang sa mahulog ang loob ko sa kanya. Kapwa kami masaya sa tuwing magkasama kami. Alam ko na ako lang ang pumupuno sa pagkatao niya at ganoon din siya sa akin.

Habang patuloy sa pagbabasa ay hindi namalayan ni Beatrix ang pagitaw ng isang ngiti sa kanyang labi. Ang bawat araw na masayang pangyayari sa buhay ni Baltasar at Celtici ay isinusulat sa talaarawan. Sinuri niya ang iba pang pahina. Makapal ang pahinang nasulatan. Gusto niyang basahin ang lahat. Gusto niyang malaman kung ano'ng klaseng pag-ibig meron siya sa past life niya kung siya man nga talaga si Celtici. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi nang may maalala. Ang kamatayan ni Celtici.

"Ano'ng taon namatay si Celtici?" naitanong niya sa propesor.

"1762...Oktubre trenta y uno, araw mismo ng kanyang kapanganakan. She's eighteen when she died. When she was killed." Agad niyang hinanap ang taon at buwan na sinabi ni Professor Armadillo.

"Nobyembre singko...doon nakatala." Iyon ang kanyang hinanap. Nang makita ang pahina ay agad niyang sinimulang basahin ang nakasulat.

Nasaksihan ng aking dalawang mata kung paano siyang pinatay ng traydor na si Gonçalo. Pinatay niya ang mahal kong si Celtici.

A Vidente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon