STB 48: inlove with my bestfriend

47K 1.2K 135
                                    

Dedicated to arandiaian23456789 hi sayo!! ^_^

STB 48: inlove with my best friend

Ice POV

Nang maka alis sila ay napabuntong hininga nalang ako at napayuko..

I actually did that on purpose, sinadya kong pasamahin na muna sya kasi naguguluhan na ako sa nararamdaman ko..

Kanina, matapos yung best friend kiss na nangyari sa amin, bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.. and in just a snap.. parang nawala lahat ng plano ko.. in just a snap ay parang ayoko nang ituloy yung plano kong pagselosin si Tj para umamin sya.. fvck!

Napahilamos nalang ako sa mukha at saka napabuntong hininga.. I need to sort my feelings tsk!

" huy!" napatingin ako sa likod at nakita ko ang babaeng gumugulo sa sistema ko ngayon..

" hey.." sabi ko nalang at tumango, pero nagtaka ako nung sumimangot sya at padabog na naupo sa tabi ko..

" kainis ka naman Yelo ka eh! Hindi ka man lang nagulat?! Eh kung tunawin kaya kita?!" natawa nalang ako at saka ginulo yung buhok nya..

" diba dapat ako yung mainis dito? Kasi halos 30 minutes na akong naghihintay, kala ko nga ininjan mo na ako eh" biro ko saka tumawa..

" bakit naman kita i-injanin? Eh mahalaga ka kaya sa akin!" napatigil naman ako sa sinabi nya, at eto na naman yung puso ko, lumalakas na naman ang tibok shit!

" mahalaga ang best friend ko no!" at saka nya ako inakbayan.. parang bula naman na naglaho ang mabilis na tibok ng puso ko at napalitan ito ng kirot.. best friend..

" huy okay ka lang?" natauhan naman ako sa sinabi nya kaya pilit akong ngumiti..

" tara na nga, mukhang gutom na yang dragon mo sa tyan, kanina pa tumutunog" sabi ko at napatawa nalang ng mamula sya..

" tse!" inirapan nya ako at saka naunang umalis pero agad ko din naman syang hinabol at inakbayan..

" chill boss.. masyado kang hot.. bagay tuloy tayo.. HOT and COLD" at saka ko sya kinindatan..

" siraulo! Pero tama ka, hot nga ako haha" natawa nalang rin ako at saka kami kumain sa isang fast food na nadaanan namin..

---

" ano nga pala pinag usapan nyo ni Tj?" tanong ko, hindi ko kasi mapigilan eh..

" tsismoso ka rin noh?" at saka nya tinutok yung tinidor nya sa akin kaya napakamot nalang ako sa batok..

" wala kaming pinag-usapan na matino.. puro basta! nakakainis na nga eh! Basta sya ng basta! Eh kung bastahin ko kaya sya? Nakakabasta tuloy!" napanganga ako sa sinabi nya.. ano daw???

" pffft.. w-what?" natatawang sabi ko, eh kasi naman! Wala talaga akong naintindihan syet! Laughtrip!

" naguluhan ka din diba?" tumango naman ako

" eh kung naguluhan ka mas naguluhan ako! Ewan ko sa taong yun! Mukhang nakasinghot ng katol eh tsk! Patignan nyo na sa mental!" at natawa na nga ako sa sinabi nya, haha! Pagkamalan ba namang adik si Tj, imba talaga tong isang to!

" alam mo ang gwapo mo kapag tumatawa" napatigil naman ako at napatingin sa kanya, eto na naman yung puso ko tsk!

" matagal na akong gwapo" biro ko nalang habang kinakalma yung puso ko tsk tsk!

" hahaha, funny!" napasimangot naman ako sa sinabi nya..

" bakit hindi ba totoo? Nakakatampo ka na *pout*" natawa na naman sya tsk! Gwapo naman ako diba?

She's the Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon