Saan kaya iyon napadpad?

"Ayun, kasama mga kaibigan niya nasa tambayan. madami sanang gwapo sa tambayan kaso nagugutom ako next time na lang." Malambing na sagot niya.

"Tss. Playgirl." Saad ni Sebastian kaya uminit lalo ang ulo ng aking pinsan.

Ang bilis naman niya, nilapag niya sa'kin ang aking pagkain at umupo na sa tabi ni Rona. Halatang namumula ang best friend ko. Crush na crush niya nga lalakeng ito.

"Pakialam mo, at least hindi Ikaw ang inaakit ang pangit mo kaya." Punong-puno ng pagkain ang bunganga niya.

Kaya medyo hindi namin naiintindihan.

"Ang takaw mo pero, hindi ka naman nataba. Boobs mo lang, paano maging ikaw?" Natatawang tanong ni Rona.

"Ako lang 'to." Si, Zoa.

Nagpabebe-girl pa. Nang nagtama paningin nila ni Sebastian umirap siya. Napatingin ako sa kaibigan ko nakangisi na ito habang nakatingin sa pinsan ko na busy na sa pagkain.

Ang ngiting iyon, kailan kaya ulit sa'kin ngingiti si Aiden? Napatingin ako sa lalakeng papasok pa lamang sa canteen nakasunod sa kanya si Angela.

Bulong bulungan sila ng lahat.

"Sila na ba? Nakikita ko lagi silang magkasama?"

"Akala ko si Yimnia?"

"Nireject kasi kaya iyan, tumingin sa iba."

"Boring naman kasi ni Yimnia."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nakita ko pagtikom ng kaniyang bibig nung tiningnan ko siya ng seryoso.

Boring naman talaga ako, hindi muna kailangang sabihin. Ang boring ng buhay ko. Buti pa ang kambal nagagawa nila gusto nila e ako? Puros pag-aaral na lamang inaatupag ko. Dahil iyon ang gusto ni Mommy.

Nagtama ang paningin naming dalawa, mabilis siyang umiwas kaya napabuntong hininga ako. Iniiwasan niya ako pag minsan.

"Hanggang titigan na lang ba kayo?" Zoa asked me.

Alam niya na ang nararamdaman ko sa best friend niya pero, sinabi ko na huwag sabihin sa lalake.

Buti na lamang sinunod niya.

"Hanggang doon na lang." sagot ni Sebastian.

"Ikaw ang tinatanong ko?" pambabara ni Zoey.

Palihim na lamang akong tumawa. Pa'y aso at pusa ang dalawa.

Nanatiling tahimik ang aking best friend, nakain lamang ito minsan napapatingin sa'kin. One year na kaming mag best friend at sa kanya lamang ako nag open, to be honest I don't trust people around me. Wala akong pinagkatiwalaan dito, lahat naman sila fake. kay Rona ko lang nakita ang pagiging mabuting best friend. Naomi, she doesn't remember me but, somehow we are still friends. We don't say Ares's name. I admire Nao, because of her the man changed. The man is in college and I don't know if the two are still meeting.

"I miss him, I miss his smile, I miss everything to him. Pati ang pangungulit niya. I felt guilty, dapat pala hinayaan ko na lang siyang kulitin ako. Nasasaktan ako, nasasaktan ako pagnakikita kong magkasama ang dalawa." Seryosong sagot ko.

Deep inside, I'm sad and guilty.

Tumingin ulit ako sa gawi niya. Napatingin sa'kin si Angela kaya umiwas ako.

"Iyan, nasa huli nga naman ang pagsisisi. I think my boy best friend still likes you, mata palang 'couz! Halata na, but he respect you. If you don't like him, he respect your feelings." Hindi ako naniwala sa sinabi ng pinsan ko.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now