Parang unti-unti ko na siyang gustong maging kaibigan.

Niligpit ko ang aking mga gamit, tapatingin ako sa may pintuan nandoon si Rona at si Aiden. Tumayo na ako at naglakad papunta sa gawi nila.

"Tara na, gusto mong bisitahin si Nao?" Sabay na sambit ng dalawa.

Napakagat ng labi si Rona. "Ron, Mauna kana bibisitahin ko si Nao. Mag-ingat ka ha?"

"Oo naman, kayo din. Tsaka kasanay ko naman si Isa at ang kapatid ko. Sige mauna na ako." Paalam niya at nagwave sa'kin.

Hindi ko na tiningnan si Aiden at naglakad na, Sumunod naman siya sa'kin. Wala akong pakialam kong magagalit man si Mommy gusto ko lang bisitahin si Naomi masama ba iyon?

Maaga pa naman. Pumasok ako sa aming sasakyan.

"Manong sa hospital po."

"Anong gagawin mo sa hospital, Yim?" Tanong ni Manong sa'kin.

"May nangyari po sa best friend ni Zoa. Pupuntahan ko lang po." Seryosong sagot ko.

Hindi na nagsalita si Manong at nagsimula ng umandar ang sasakyan.

Sinalpak ko ang aking earpods sa dalawang tenga, nakatingin lamang ako sa may labas ng bintana. Nakatapat ng sasakyan namin ang sasakyan nila Aiden. Hindi ko nakikita kung anong ginagawa niya dahil madilim. Hindi ko alam kung tinitingnan niya ba ako o tulog?

Rona:

Papauwi na kami, Ang bagal kasi ni Isa. Kasabay namin best friend niya.

Me:

O, best friend niyang manhid. Sige mag ingat kayo, bes.

Rona:

Ewan ko ba sa pinsan ko kung bakit hindi siya umaamin.

Me:

Takot.

Rona:

Katulad mo takot.

Umirap na lamang ako at hindi na siya ni-text wala na din naman akong masabi sa kanya. Tumigil ang sasakyan at nasa tapat na kami ng hospital.

Ni-text ko si Mommy baka kasi magalit iyon,

Me:

Mom, I'm here at the hospital. Binisita ko lang si Naomi best friend ni Zoa.

Hindi ko hinintay ang text ni Mommy at bumaba na sa sasakyan. Sakto namang bumaba na din sj Aiden.

Sumilip ako sa room ni Naomi, Hindi pa din siya nagigising. Isang araw na ata. Hindi ko alam na may nangyari na palang masama sa babaeng ito.

Bakit ba kasi ang kulit niya? Sunod siya ng sunod sa lalake,

Nagulat ako sa presinsya ni Aiden. "Pag nagtagal iyan, ibig sabihin comatose siya. Iyon ang sabi ng doctor. Mawawala ang ala-ala niya pag nangyari iyon, pag ilang buwan na."

Nasa likod ko siya.

"Ni-minsan ba hindi mo nagustuhan si Naomi? Ang ganda niya." Wala sa sariling tanong ko.

Natauhan ako ng narinig ko siyang tumawa. ha? Ano ba iyan? Bakit mo iyan natanong Yimnia Vicky?

"No, I like her as a best friend. Iyon lang, may babae akong gusto kaso wala namang feelings sa'kin. Kaya anong magagawa ko, suko na." Seryosong sagot niya.

Hindi ako makaimik sa sinabi niya, tumikhim na lamang ako at humarap sa kanya.

"I'm going home na, I think mommy will get mad at me. Goodnight! And goodluck!" Nakangiting ani ko sa kanya.

Goodluck sa pagmo-move-on mo.

Ginusto mo iyon hindi ba? Panindigan mo, susuko na siya at ginusto mo iyon.

Pumikit na lamang ako habang naglalakad, Hindi ko maintenance nararamdaman ko. Gusto kong kalimutan niya ako pero, may parti sa pagkatao ko na huwag siyang sumuko.

Medyo madilim na pagkalabas ko sa hospital, hinahanap ko si Manong nakita ko siya nakatayo. Hinihintay niya ako. Pumunta ako sa gawi niya kaya pinagbuksan na ako ni Manong.

"Ayos na ba iyong best friend ni Zoey?"

"She's not okay, Manong. Hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising."

"Naku! hija! Delikado pag hindi 'yan nagising ng ilang buwan, mawawala ala-ala niya." Nag-aalalang ani Manong, so pagnangyari iyon.

Hind niya na makikilala si Ares? Ayaw kong makialam sa love story nila.

"Iyon nga po ang sabi ni Aiden este ng doctor."

"Aiden? Iyon ba 'yung dinadalhan mo ng pagkain? Ngayon lang kasi kita nakitang magdala ng isang baunan, ang lakas sa'yo ng lalakeng iyon, gwapo ng batang iyon bagay kayo. Hula ko gusto niyo isa't isa." Manong joking me.

Nagulat ako kahit biro lamang iyon. "Manong naman hindi namin gusto isa't isa."

"Sa kilos mo palang halatang gusto mo ang lalake, siya lang naman ang dinalhan mo ng pagkain e. Huwag ka ng nagdenied halata naman." Natatawang ani Manong at nagsimula ng nagdrive.

Hindi na ako umimik at sinalpak na lang ang aking earpods sa tenga. Komportable akong kasama mga kasambahay sa bahay, nasanay na ako sa kanila. Laging wala sila mommy noong bata ako kaya sila nakakasama ko. Minsan nga nakakalaro ko sila, nabawi naman sila mommy sa'kin pero noong palaki na ako ng palaki. Pahigpit naman sila ng pahigpit hindi ko alam kung anong mangyayari pamaya sa bahay.

Sasampalin na naman ba ako dahil gabi na ako umuwi o hindi?

Bahala na, tumigil ang sasakyan sa parking lot ng bahay namin kaya bumaba na ako habang hindi tinatanggal ang earpods ko sa tenga.

Pumasok ako, pagpasok ko bumungad sa'kin si Mommy at Daddy. Si Mommy busy siya sa kausap niya. Si Daddy busy sa pagbabasa ng diyaryo. Wala silang kaalam-alam na nandito na ang unica ija nila. Ang boring ng buhay ko, feel ko ako lang ang tao sa bahay. Napasinghap ako at umakyat na lamang papunta sa kwarto ko hindi na ako lumabas.

Naglinis ako ng aking katawan pagkatapos nagreview na ulit. May exam na kami sa lunes, habang nagrereview ako hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Binuksan ko iyon at bumungad sa'kin si Manang.

"Hija, kakain na daw kayo."

"I'm not hungry, Manang. Magrereview pa ako." Walang ganang sagot ko.

Hindi pa talaga ako nagugutom.

Hindi na nagsalita si Manang at umalis na sa harapan ko. Umupo ulit ako sa tapat ng study table ko at nagreview ulit.

Kailangan kong tumaas sa exam para naman maging proud sa'kin si Mommy.

Ang boring ng life ko.

Mga alas dose na ako natulog, nagising ako dahil sa ingay, Akala ko kasambahay namin pero laking gulat ko ng bumungad sa'kin ang kambal nagtatalo.

"It's you, you're a man…wake her up."  I heard Zoa say.

"Me? I don't." Duke said. 

I just laughed at the two.

"You mean you're just scared, big scared of Yim."  Zoa said. 

I sneezed so the two of them looked at me.

"Ang ingay niyo." Malamig na ani ko.

Lumunok ang dalawa natakot ata sa'kin.

Natawa na lamang ako. "Nagtatalo pa kayo kung sino gigising sa'kin e nagising na nga ako sa bungang-"

Napatigil ako ng sinunggaban ako ng yakap ni Zoey, ramdam ko ang dede niya sa dibdib ko.

"Aray ang higpit, bilis niyo naman bago lang kayo?"

"Kagabi pa kami, noong may 1 kami bumayahe." Seryosong ani duke.

Hindi man lang ako niyakap.

Ang dalawang ito minsan aso at pusa, ako nga minsan ang naawat sa kambal na ito.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now