Chapter Four

0 0 0
                                    

Sobrang bored na bored na ako. Wala man lang akong kakwentuhan or kahit short talk lang. Naubos ko na kanina ang noodles, pati ang burger. Tubig na lang ang natira. Malayo pa kami!

Tumingin ako sa cellphone ko, 12:00am. Tangina! 12 na? Like what eff? I need to sleep! I can't! Okay, stop this shit already.

Hinarang ko ang kurtina sa bintana, lagi kasi namin iyong ginagawa kasi malapit na kami sa Maynila. You know, 'yung mga pulubi or mga nangt-trip. Baka bigla na lang batuhin 'tong bintana.

Sumandal ako at pinikit ang mata. Medyo nahihilo na din ako kanina. Dahil hindi talaga ako makatulog, nagbibilang ako ng mga tupa sa aking imahinasyon.

[ 5:45am at the terminal]

“Gisingin niyo na 'yan.”
“Err, bakit ako? Hindi naman natin 'yan kaano-ano. Let's go.”
“Gago! Kapag may nangyaring masama diyan konsensya pa natin.”
“Hindi na kailangan na gisingin niyo, sa ingay niyo ba naman.”

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga magagandang pumupugay na mga mata. Argh shet, busog na mga mata ko. No need for breakfast.

“Buti naman at nagising ka na sleeping beauty. Mauna na kami.”

Tila ba ngayon lang nagsink sa akin ang sinabi niya. Napabalikwas ako ng upo at tumingin sa loob ng bus bago sa labas. Nasa terminal na ako! Agad kong pinunasan ang laway ko at binitbit ang travelling bag.

“Manong, nasaan po 'yung maleta ko?” tanong ko sa conductor.

Mukha naman itong nagtataka. Napakamot ito ng batok bago nagsalita.

“Eh Ma'am-”

“Hala Manong, don't tell me naisama mo sa mga bagahe ng mga hayop na 'yun?” hysterical na sigaw ko.

Pinagtitingan nadin kami. Oo gano'n talaga kapag maganda.

“Ay naku ma'am, mali po kayo. Sa kabilang conductor ako.” paliwanag nito.

Pilit akong ngumiti ngunit nauwi sa ngiwi. Punyeta!

Padabog kong hinanap ang conductor. Kung alam ko lang paano buksan 'yun, binuksan ko na. I rolled my eyes.

Nang matagpuan ko na ito ay nandoon siya at masayang nakikipagkwentuhan. Manong naman e. Kinalimutan mo na ako. Mukha namang napansin niyang may nakatingin sa kaniya kaya tumingin ito sa gawi. Agad naman itong tumayo at lumapit sa pwesto ko.

“Pasaan ka po ma'am? May mga kakilala kasi ako ditong taxi driver, pwede kitang ipahatid doon.” panimula nito.

Feeling close si manong. Akala mo naman libre ang pamasahe dahil sa sinabi niyang ipapahatid ako hmpt.

“Hindi na po manong, may naghihintay na sa'king sundo sa labas.” nakangiting sagot ko. Such a liar.

Tumango na lamang ito at inilabas ang maleta. Nagpasalamat naman ako at pinatong doon ang travelling bag, mabuti't hindi gaanong mabigat.

Pagkalabas ko sa terminal ay maraming sasakyan ang dumadaan. As in ang dami! Para silang langgam, nagmamadali na iimbak ang mga binubuhat nilang pagkain. Mabilis ang daloy ng sasakyan ngunit sa kabilang banda ay traffic.

Tumayo ako sa gilid, naghihintay ng taxi. Sa totoo lang ay hindi alam nina Tiya ang terminal ng sinakyan kong bus kaya napagkasunduan namin na sa Jollibee na lang magkita-kita.

Isang minuto, dalawang minuto hanggang sa umabot ng limang minuto. Akala ko pa naman ay madali lang ang magcommute dito. Walang kwenta.

Bumalik ako sa loob at hinanap si Manong. Sakto namang nagkasalubong kami.

“Saktong-sakto! Papunta na iyon dito. Pinatawag ko na kasi may naghahanap ng masasakyan. Pwede kang sumakay roon, pareho lang kayo ng pupuntahan.” mahabang saad nito.

Nagpasalamat na lamang ako bago umupo sa bench at hindi nilubayan ng tingin si Manong driver. Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang sa may pumasok na isang taxi. Umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko na tiningnan nila ako. I just kept quiet.

“Miss, ikaw ba ang isa sa mga pasahero?” tanong nito.

Lumingon naman ako at tumango. Tinulungan niya akong hilahin ang maleta kahit na medyo magaan lang ito. Lahat na lang ng nakikita ko gwapo. Infairness ah, gwapo naman talaga si Manong taxi driver pero feeling ko may asawa na. Siguro nasa edad 23 na ito.

Hinintay namin ang isa pa. Well ehem, lalaki ang kasabay ko. Jusko panginoon! Pinaliligiran ako ng mga gwapong nilalang!

“Stairing is rude.” komento nito.

Umiwas naman ako ng tingin ngunit bago iyon ay inirapan ko ito. Walang imik sa loob ng taxi. Mas mabuti na 'yun. Feeling ko pa naman ay hindi mabuting kausap 'tong dalawang 'to.

Huminto ito sa tapat ng isang Hotel.

“Ito bang Heritage Miss?” tanong nito.

Luminga ako. Mukhang ito na nga. May karinderya kasi sa tapat nito.

Binayaran ko na ito at lumabas. Muli, tumayo ako roon. Sabi ay minibus ang sunod kong sasakyan. It was easy tho. Humihinto kasi ang mga minibus pero syempre tiningnan ko muna ang placard.

Cubao.

Agad akong sumakay roon. Kahit pala sa minibus ay may conductor rin. Well. Tinanong niya kung saan ako na agad ko namang sinagot. Nasa 85 peso ang pamasahe ko papunta sa Jollibee. Gladly, maaga pa ngayon kaya maluwag pa ang minibus. Umiba ito ng ruta. Akalain mo nga namang ako ang una nitong ibababa.

Muli ay tinulungan ako ng conductor na lumabas. They can't stand my beauty that's why.

Pagkaalis ng minibus ay nakahinga ako ng maluwag. Kinapa ko ang cellphone ko at agad na dinial ang numero nina Tiya. Dalawang ring lang ay agad niya itong sinagot.

“Nasaan ka na hija? Nandito na kami, kanina pa.” excited na saad nito.

“Nandito na po ako Tiya.” sagot ko.

“Naku, hindi kita makita. Describe mo ang suot mo para madali ka naming mahanap.” utos nito.

“Nakapusod po ako, Tiya. Light blue blouse, black high waist pants, white sneakers. May dala po akong maleta na kulay pula at traveling bag.” mahabang sagot ko.

Nakita ko na may tumatakbong magandang babae sa'kin. Don't tell me?

Pinatay nito ang tawag kasabay ng pagyakap nito sa akin.

“Tiya?” takang tanong ko.

Mahina itong tumawa. Anong nakakatawa?

“Insan naman! Ako 'to si Angelica?” nakabusangot na saad niya.

Oh, akala ko si tiya.

“H-hah? Ah eh, oo nga. Ang laki mo na.” puna ko.

Tangina, sino ba 'to? Bakit ngayon ko lang 'to nakita at nakilala? Jusko, maiiyak na ako dito dahil sa kahihiyan!

Love at 15Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora