Chapter One

0 0 0
                                    

“Kuya please. Trust me with this one.” pagmamakaawa ko.

Gusto ko kasing lumuwas papuntang Maynila at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng Grade 10.

“Jusko Maren! You're just 15!” singhal nito sa akin at sinamaan ng tingin.

Ngumuso ako.

“Gusto kong lang naman maranasan ang tumira sa syudad.” mahina ngunit malungkot kong saad.

“Yes fine! Papayag akong tumira ka doon pero my goodness! Huwag muna, masyado ka pang bata.” inis na sigaw nito.

Mukha namang narinig kami nina Mama sa labas ng bahay kaya agad itong pumasok.

“Ano na naman ba 'to? Lagi na lang kayong nag-aaway.” umiling pa ito.

Ginulo ni Kuya ang kaniyang buhok samantalang ako ay nanatiling nakayuko.

“Ma, pagsabihan niyo nga 'yan! Gustong mag-aral sa Maynila, alam naman niyang graduating na ako ng Senior High school 'saka pa sasabay!” inis na pasigaw nito at tinuro pa ako bago padabog na umalis.

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang pintong dinaanan niya. Binalingan ko si Mama na ngayon ay nakangiti.

Lumapit ito sa akin at yinapos ako.

“Anak, alam kong kaya mo na ang sarili mo pero bata ka pa. Hindi mo pa alam ang takbo ng mga utak ng mga nasa syudad.” payo nito sa akin.

Napayuko ako. Siguro nga hindi pa ito ang tamang oras. Napabuntong-hininga na lamang ako.

“Pero kung iyon ang gusto mo, kung gusto mong tumayo sa sarili mong paa, kung gusto mong maging independent. Susuportahan ka namin.” nakangiting dugtong nito.

Agad na nagliwanag ang mukha ko at mahigpit siyang niyakap. She's my Hero.

[ 10:25am at the Principal's Office]

“Maganda ang record mo dito sa ating paaralan. Kung ano man ang dahilan mo kung bakit ka lilipat ay sana'y maging maayos ka doon.” nakangiting saad ng Principal.

Nginitian ko din siya at tumango.

“Maraming salamat po, Mr. Herdon.” pagpapasalamat ko at yumuko.

“Halika Hija at gusto kong mag-usap pa tayo bago ka umalis.” iminuwestra nito ang upuan kaya walang pagdadalawang isip akong umupo roon. Nilagay ko sa lap ko ang mga papel para sa paglilipat ko.

“Maraming paaralan sa Maynila, makakapili ka ng choice ng gusto mong strand kapag nag SHS ka na.” komento nito. Tumango ako bilang sagot at tumingin sa labas ng bintana. “Naiintindihan kita kasi dito sa school natin ay Cookery, Computer at Electrical ang meron. Malayo naman ang paaralan sa bayan para sa mga madami-dami pang mga strand.” dugtong niya.

Ngumiti ako.

“Sa totoo lang po ay wala naman sa eskwelahan iyon. Nasa pagintindi iyon sa mga natututunan sa paaralan.” saad ko.

Ang dating kasi sa akin ng sinabi niya ay para bang gusto kong mag-aral sa mga kilalang paaralan para may maipagmayabang ako.

“Mauna na po ako sa inyo Mr. Herdon.” pagpapaalam ko.

Tumango naman ito kaya agad kong tinahak ang daan palabas sa kaniyang opisina. Hinawakan ko ang doorknob at bago pihitin iyon ay tumingin ako sa kaniya.

“Maraming salamat po.”

Hinahanda ko na ang mga gamit ko. Inilagay ko na ang set of dress ko sa maleta at isinara ito. Finally! Sa isang maleta at isang traveling bag kumasya ang mga gamit kong dadalhin roon. Wala nang problema sa titirhan dahil may Auntie naman ako doon.

“Tandaan mo Maren, huwag kang mabilis na magtitiwala roon. Huwag kang magpapaapi. Naiintindihan mo?” tumango ako bilang sagot kay Kuya.

Pagkatapos ng ilang oras sa panungumbinsi sa kaniya ay pumayag din kalaunan.

“Anak, iupdate mo kami sa mga nangyayari sa'yo, maliwanag?” tumango ulit ako bilang sagot.

I'm so thankful may ganito akong pamilya. Kahit naman wala dito ang panganay namin ay updated ito sa mga nangyayari. Si Kuya Yvo ang panganay na anak nina Mama. Nasa edad 26 na ito ngunit wala pang asawa o girlfriend man lang. Ayon sa kaniya ay kuntento a ito sa kaniyang trabaho para mabigyan kami ng pagkain sa araw araw at allowance. Ang Tatay ko naman ay sumakabilang bahay na.

“Don't you ever fall in love, Maren. Dapat makapagtapos ka muna ng kolehiyo bago ka magboyfriend,” seryosong saad nito. Ngumiti ako at tumango. “Or else, isusumbong kita kay Kuya.” nakangiting saad nito ngunit ramdam mo ang kahalo nitong pagbabanta.

Kuya Yvo was been very strict when it comes to me. Ako kasi ang prinsesa niya. Kaunting sugat ko lang ay maguutos na ito na dalhin ako sa hospital.

Kapag may mga lalaking nagtatangkang nanliligaw sa akin ay isang araw lang ang tagal nila dahil sa takot sa ginawang pagbabanta sa kaniya ni Kuya Yvo. Maganda na iyon para hindi ako maagang mabuntis gaya ng karamihan sa mga teenager dito sa baranggay namin.

“You're spacing out. Nakapag-isip ka na bang huwag na lang tumuloy?” hindi man halata ngunit may kasiyahan sa kaniyang boses.

Umikot ang aking mata.

“That's not it.” angal ko.

Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

“Argh! Kuya naman e'!” pag-iinarte ko.

Thirty minutes kong inayos ang buhok ko tapos guguluhin niya lang. Hindi kasi ako makapagdesisyon kung ilulugay ko ba ito, ipupusod, lalagyan ng hair pin or icurl ang dito nito. At the end, pinusod ko na lang ito. Visible ang highlights ng buhok ko which is ash brown. Hindi ko pinakulay ah, it's natural kasi may lahi ang Papa ko. Although, may electric blue akong mata. Lagi kong sinusuot ang contact lense ko. I don't know but I have this doubt that they will befriended me because of my eyes, maybe. To be honest, wala silang mahihita na pera sa akin ni singko.

“Kung mananatili kang ganyan hindi na talaga kita papayagan pa. Alam ko naman na mamimiss mo ang gwapo mong kapatid e'.” mayabang na saad nito.

I rolled my eyes. Kahit kailan talaga hambog 'tong kuya ko. Kung hindi ko lang mahal baka wala na 'to ngayon sa mundo. I smirk nonchalantly.

“Pakiramdam ko, ikaw 'tong ayaw ako paalisin.” nakangising saad ko.

Umirap naman ito at agad akong inakbayan.

“Let me tell you a secret.”

Love at 15Where stories live. Discover now