Chapter 67: LQ

Magsimula sa umpisa
                                    

"Siraulo ka ba! Bakit kailangan mo isigaw! Kasalanan ko ba kasing lumapit ka sakin habang nananaginip ako! Tanga ka!" galit na sigaw ko sa kanya. Mas lalo naman siyang nagalit dahil sa sinabi ko

"Ikaw yung tanga! Wag ka kasing natutulog!"

"Edi namatay ako gago!"

"Tapos na ba kayo?" sabay kaming napalingon ni Liam kay Dave na nakapamulsa at walang kabuhay buhay na nakatingin samin

"Hinahanap na kayo ng mga kabanda niyo kasi 5:58pm na baka lang naman nakakalimutan niyo. May laban pa kayo. Mamaya na LQ." sabi niya at tumalikod na at naglakad paalis

Nagtinginan pa kami ni Liam ng masama bago nag-unahang maglakad pabalik sa room.

----

LIAM'S POV

Bwisit na babae yun! Sino siya para tawagin akong tanga. Eh mas tanga nga siya kasi nagsasa-sama siya dun sa Xaymond Flain na yun. Eh mukha namang kulugo. Parehas lang sila. Tss.

"Ayan na sila." sabi ni Deil pagkapasok namin ng room

"Oh, tapos na ba LQ niyo?" sarcastic na sabi ni Henz, sinamaan ko lang siya ng tingin pati na rin si Dave dahil malamang siya ang nagsabi nun

"LQ your face." sabi ni Zey

Umiling na lang si Henz at inabot na samin yung mga dadalhin namin sa auditorium kung san gaganapin yung mismong event.

By 6:30pm nagpunta na kaming lahat dun sa auditorium, naiwan na sa labas yung mga hindi namin kasama at kami naman ay nagpatuloy na papunta sa backstage.

"What's with your face?" bulong na sabi sakin ni Henz

Kanina pa kasi ako nakabusangot dahil naiinis pa din ako sa pesteng babae na toh. Sinamaan ko ng tingin si Zey na hindi man lang ako tinapunan ng tingin simula kanina. Tss.

"Mamaya na yang LQ mo pre tulungan mo muna ko dito." sabi ni Pier. Lumapit naman ako sa kanya at malakas siyang binatukan kaya napaaray siya

"Anong LQ pinagsasabi mo. Tanga." inis na sabi ko sa kanya

"Sus kunyari ka pa. Sabi nga ni Dave halikan daw pinag-uusapan niyo. Ano pre ayos ba? Masarap naman?" nakakalokong ngisi na sabi niya

O--HINDI! Puta.

"Gago ka ba! Manahimik ka na nga!" inis na sigaw ko sa kanya kaya napatingin na din samin yung ibang nasa backstage dahil sa lakas ng sigaw ko

"Pwede ba mamaya na kayo mag-away hindi ito yung tamang oras para dyan." saway ni Zey habang inaayos yung electric guitar na hawak niya

Nag-make face lang ako pagtalikod niya tsaka humarap kay Pier na tinatawanan ako.

"Para kang bata bro." natatawang sabi niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

----

DEIL'S POV

"Is everything settled?" tanong samin ni Henz at tumango naman kaming lahat

"Okay then. Goodluck to us. Let's make our section win again." nakangiting sabi niya at lumapit sakin kaya medyo nagulat pa ako at napaayos ng upo sa may kahoy na mesa na inuupuan ko. Kaunti lang kasi yung upuan dito sa backstage, karamihan mga lamesa kaya dun na lang din nauupo yung iba.

"Don't be nervous okay?" nakangiting sabi niya tsaka naupo sa tabi ko. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya ng bigla kong maalala yung pinag-usapan namin kanina

"Uhm... Henz." tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sakin

"Hmm?" nakangiting saad niya habang nakataas ang dalawang kilay

"Y-yung sa kanina... Anong s-sagot ba sinasabi mo?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Shocks ni hindi nga ako makatingin sa mga mata niya dahil sa hiya tsaka kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Yes or no. Why? Is there any answers aside from that?" tanong niya

"Oo may maybe pa kaya tsaka depends." sabi ko sa kanya kaya natawa lang siya at nailing

"Bakit mo ba ko tinanong?" tanong ko ulit sa kanya

Ngumiti lang ulit siya sakin habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

Eto naman si boy ngiti. Pag ako nahulog sa ngiti mo ihuhulog kita sa bangin.

Nanlaki ang mata ko ng unti unti siyang lumapit sakin kaya napapaatras yung ulo ko. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung dahil sa contest oh dahil sa ginagawa niya.

"A-ano..."

Lumapit siya sa tenga ko kaya kinilabutan pa ko sa pagdapo ng hininga niya sa balat ko.



















"Because I want to ask if I can court you..."

----

A/N: O panis! kuya Henz niyo duma-damoves! Bilis ng galawan inunahan pa yung tatlo. 😂 Level up yarn!

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon