CHAPTER 2

152 3 0
                                    

Di ko nga alam kung bakit pero naisip ko lang, siguro nakatadhana talaga tayong Makahanap ng taong mag papabago ng pananaw natin sa buhay at magbibigay saya sa atin kahit panandalian lang.

Ito Ang araw ng una naming pagtatagpo.

"Aray ko naman! Dahan dahan lang"
Nagulat Ako dahil biglang may tumapak sa paa ko.

" Ay pasensya na po,😞 nagmamadali po kasi ako'

Tiningnan ko  ang lalaking nakabangga sakin, hingal na hingal ito na para bang kagagaling ng marathon, at ng tingnan ko siya sumalubong  sakin ang malaungkot niyang mukha na may pasa at bahid ng
dugo ang kanyang mga labi.
Bigla akong naawa.

Umusog ako ng kunti para makaupo siya sa pandalawahang upuan na kinauupuan ko.
Agad namang niyang pinuwesto Ang sarili at di na ako nagulat nung narinig ko ang kanyang munting hikbi kinalaunan.

Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang nangyari sa kanya ngunit mas pinili ko na lang manahimik dahil nakikita ko at nararamdam ang sakit dahil sa nakikita kung luhang  pumapatak  Mula sa kanyang mga mata.

Ilang minuto pa ang lumipas at
umakto na akong tatayo para umuwi na sana dahil di naman makakarating ang kausap ko ayun sa txt niya,

Ngunit nagulat na lamang ako ng biglang  hawakan ng lalaking katabi ko Ang aking  kamay at sabihing..

" Ate pwede po bang sumama sa Inyo pauwi?"

PansamantalaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin