Chapter 24: Deja Vu

Start from the beginning
                                    

"Uy! Long time no see, Clengky!" pagbati ng isang pamilyar na boses. "Narito ka ba para panoorin ako?"

Napalitan agad ng ngiwi ang aking ngiti. "Ross... No, I-I didn't come here for you. I came to visit my boyfriend."

"Talaga?" ngumisi ang loko. "Tinatawag niyo 'kong manunuhog ng mga kaibigan mo, pero ikaw pala riyan ang tumutuhog ng basketball players—"

Biglang may bolang tumalbog sa pagitan namin. Tumama ito sa dingding at muntikan nang matamaan ang mukha ni Ross. Sinundan namin ang direksyon ng bola na gumulong pabalik sa nagbato.

"Joon?" nakasimangot na reaksyon ni Ross. "Ingat ka naman, bro!"

"Ikaw yata ang dapat mag-ingat." Joon picked up the ball and gripped it firmly with both his hands. "Baka matamaan ka ulit kung hindi ka mag-iingat."

I heard my ex-boyfriend expressing disapproval with a tsk. "Bago ka pa lang dito sa team. Hindi porke't galing ka sa Green Giants ay titingalain ka na namin."

"S-Stop it, please!" pagsabat ko sa kanila. Ayaw kong mapaaway si Joon dahil lamang sa 'kin.

Dinaanan ako saglit ng mga mapanghusgang mata ni Ross bago ibinalik ang tingin sa 'king nobyo. "Oo nga pala, hinahanap daw nitong ex ko ang bagong dyowa niya. Kilala mo ba kung sino 'yon?"

I bit my lip in annoyance. I didn't like hearing Ross call me his ex in front of Joon.

Akala ko ay iyon lang ang sisira sa araw ko. The next set of words crushed my heart into a pulp.

"Nope. Hindi ko kilala kung sino ang boyfriend niya," malamig na sagot ni Joon. "Siya rin mismo ay hindi ko kilala."

Tumawa na parang aso si Ross at naglakad na papunta sa court para akbayan si Joon. Naiwan ako roong nakanganga't hindi makapaniwala. What?

Was that really my Joonie? H-He didn't even look at me.

***

"Cleng, are you okay?"

Nakatulala ako habang nagbibihis ng uniporme sa trabaho. Kakapasok ko lang sa Cloudburst Cafe para ituloy ang aking part-time job. Mali-mali pala ang pagkakabutones ko sa 'king blouse kaya nag-alala si Van.

"You're spacing out," she commented. "Lalaki ba ang dahilan niyan?"

Tahimik akong tumango habang inaayos ang damit ko. Naging close na rin ako kay Van dahil siya lagi ang nakakasama ko rito sa cafe.

She crossed her arms and leaned back against the locker doors. "How far did you go with him? Nakuha niya na ba ang lahat sa 'yo?"

Her out-of-nowhere question caught me off guard. I started blurting out random words while sounding very defensive.

"N-No! Well, we did some stuff. But we haven't done letter S yet...wait. W-What's considered letter S ba? He touched my B and licked my V, but he never inserted his P!" I answered her in panic.

Biglang bumulalas ng tawa si Van. "Hahaha! Hindi mo kailangang sagutin, binibiro lang kita! Napaka-honest at inosente mo talaga, Cleng!"

I pouted my lips as I buried my red face on my palms. I can feel my ears getting hot in embarrassment.

"Mabuti kung gano'n," usal niya nang mahimasmasan na sa pagtawa.

Pinapahiran niya pa ang mga luha sa gilid ng kaniyang mata nang sabihing, "Some men only want girls for sex. Trust me, I've been there."

Pagsarado ng pintuan ng locker ay napatingin ako sa 'king malungkot na mukha na nakapaskil sa salamin.

No, my Joon isn't like that. Kahit tinanggi niya 'ko kanina, naniniwala pa rin ako sa kaniya.

Pagkatapos kong magbihis ay nagsimula na akong mag-serve sa mga customer. May isang lalaki sa dulo na kanina pang nakataas ang kamay kaya nilapitan ko.

"Hi, sir! How can I help you po?" nakangiting tanong ko.

"Miss, pahingi naman ako ng tubig."

Nag-alinlangan muna ako dahil self-service talaga ang tubig dito sa cafe. Ngunit para walang issue ay dinalhan ko na lang siya ng isang baso ng tubig. "Here, sir."

"Miss, puwedeng patulong maghimay ng pagkain ko? Medyo matigas kasi, eh."

I was taken aback. Why is he asking for weird favors? Iginala ko ang tingin sa paligid ng cafe. Maraming tao at baguhan lamang ako kaya ayokong gumawa ng eksena. Ginawa ko ang gusto niya at kinuha ang kutsilyo para ipaghimay siya ng kaniyang pagkain.

May kamay na biglang pumagitna at pinigilan ang braso ko. Pagtingala ko, katabi ko na pala si Van.

"Sir, we don't tolerate unreasonable behavior from our customers," mariing sabi ng aking kaibigan. "We can report you for harassment."

Inis na nag-iwan na lamang ng bayad ang lalaki at umalis. Humingi ako ng pasensya kay Van, "S-Sorry... dahil sa 'kin ay nawalan tayo ng customer."

"Cleng! Bakit ka ba ganiyan? Don't look down on yourself like that!" she scolded. "Girls should never bow down to men. Remember that."

Inabutan niya ako ng panyo nang mapansing umiiyak na ako. She embraced me while giving my back a few light pats. "Don't rely on men to love you, Cleng. You should learn to love yourself more."

Tama naman si Van. Ngunit kahit gaano man kalaki ang galit niya sa mga lalaki, naniniwala pa rin akong iba si Joon sa kanila. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit umiiwas siya sa 'kin ngayon, mas malaki naman ang tiwala ko sa kaniya.

Pag-uwi ko sa bahay ay saglit akong napahinto sa aming gate. Naalala ko ang eksena kung kailan bigla akong binisita ni Joon nang wala sa oras. He didn't say anything—he just gave me those three meaningful kisses.

I suddenly remembered what he told me before, 'Whenever I do this triangle kiss, it means I love you. Okay, Clestiana?'

"Okay, Joon..." I whispered to the wind.

Napahawak ako sa 'king dibdib at nilukot sa pagkuyom ang aking damit. That's right. My Joon loves me.

Even if his words say otherwise, I will believe in his kisses.

***

Tumunog ang cellphone ko pagkarating sa kuwarto. Kahit na mababa ang tiyansang si Joon ito, lagi pa rin akong sabik na tinitingnan ang mensahe dahil baka sakali ay nagbalik na ang kaniyang loob.

It was not Joon, and not my best friends either—it was Cherry.

Tila ba deja vu ang aking naramdaman nang mabasa ang mga salitang binigkas niya sa akin noon.

"Available ka ba ngayong weekend?" tanong sa 'kin ni Cherry sa chat.

They were the same words that invited me to their annual beach trip, where Joon and I confessed our feelings for each other.

I wonder... if this same set of words can trigger something again?




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now