Chapter 43 - The Surprise

211 14 0
                                    

This place is about two kilometers from our place. Usually, there were some tourists that visit this place but I rented it for four days. Hindi ko na pinroblema pa ang bayad kase hindi naman talaga 'yon importante.

[Bro, malapit na ang landing ng eroplano. Maya-maya lalapag na 'yong eroplanong sinasakyan niya. Go to the airport now!]

Hindi na ako pinagsalita pa ni Rynier at pinatay na ang tawag. Ganito talaga kabastos silang lahat sa'kin. Parang wala akong bibig at ayaw pagsalitain kahit isang salita man lang. Magsusumbong talaga ako kay Zeriel 'pag balik niya.

I fastly drove my car to the airport. Mabuti na lang at wala pa siya kaya naghintay pa ako saglit bago may lumapag na eroplano do'n sa labas. I was one of those people who's waiting for someone to arrive. Good thing there wasn't any media so its kinda relieving. They probably didn't let them know to ease the crowd and less hassle.

Miss na miss ko na siya. Kaya lang hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan sa ginawa ko nitong mga nakaraang araw. I hope my efforts won't waste to nothing.

When I finally saw her walking in my direction. Natigilan siya saglit at hindi inalis ang tingin sa'kin. Caroline, her manager, noticed it so she looked at my direction. Mukhang nakatunog naman siya kaya may sinabi siya saglit kay Zeriel at iniwan ang mga bagahe niya ro'n. Now, this is my chance.

"Ouch! Damn!" Napadaing ako nang makatanggap ako ng isang sampal galing sa kanya.

She was glaring at me so bad."How dare you do that to me?! Porket alam mong miss kita hindi mo na ako papansinin ng ilang araw? Who are you?"

"I'm your boyfriend, mine. Hush, don't be mad. Come here." I pulled her gently for a warm hug.

She scoffed."Pagkatapos mong iwa---"

"Happy birthday, mine. I'm gonna take you somewhere." I gave her a peck on her lips and stared at her for a while.

Her lips parted, still processing what I've just said."Y-You know? Hindi ko naman maalalang sinabi ko sa'yo. I don't celebrate my birthday."

"Then let's celebrate it together now that you're here."

Hindi na siya umangal nang dalhin ko siya sa kotse at nilagay ang mga gamit niya sa likod. I'm gonna take her to that special place now. Alam kong magugustuhan niya 'yon.

Tanong siya nang tanong habang nagdri-drive ako pero ngisi lang ang sinasagot ko sa kanya na ikinainis niya. She's so damn irritated but I just set it aside and continued heading our destination. Nang makarating kami ay nag-suggest ako na i-blindfold siya para dama 'yong surprise. Hinampas niya pa nga ako nang malakas at sinabing 'wag ko raw siyang bitawan kung hindi tatanggalin niya piring sa mata niya.

"Sige na..Bitaw na. Nandito lang ako oh. 'Wag ka nang matakot na parang bata," I said that made her grimace.

"I am not scared or anything! Let me go and just tell me if its done already. Sagabal sa mga mata ko," reklamo niya.

Iniwan ko siya saglit at binuksan ang cake na nireserve ko. I don't know what's her favorite but Alina says she wanted to eat a Dark Chocolate Raspberry so I bought it for her. Ilang shop pa ang pinuntahan ko makakita lang nito kaya sana masarapan siya.

"At the count of three..One. Two. Three. Happy 20th birthday Zekiah Xyriel!" Hawak ko ang cake at nilapit nang konti sa mukha niya.

She couldn't believe it and even blinked twice to process it all."T-This is for me? How come did you know that I wanted to eat this?"

"Wala lang. Instinct. Sige na! Mag-wish ka tapos hipan mo 'yong kandila," I demanded.

Sumunod naman kaagad siya sa sinabi ko at hinipan lahat ng kandila bago nilibot ang sarili sa buong lugar. I even saw how amazed she was while running her fingers to the hanging pictures of her. Karamihan do'n sariling kuha ko lang sa cellphone no'ng pasukan pa.

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now