VII

246 11 3
                                    

As Long As I Am With You
(Bizarre Love Triangle - Part II)



Chapter
VII



Jade's PoV


Umiling ako so that the person standing in front of me will know na ayaw ko nang kumain.


     "Jade, konti pa lang 'yong nakain mo kaya sige na o, iinom ka pa ng gamot pagkatapos." Pilit nito.


     "Love, busog na ako." Parang batang reklamo ko. Totoo naman kasi. At hindi pa nada-digest ng tiyan ko 'yong inalmusal ko kaninang umaga tapos ngayon kung makasabing kaunti pa lang ang nakain ko– 'tong asawa ko talaga.


     But I feel so happy and special at the same time kahit medyo naiirita ako sa kaniya. Ang laki na kasi ng ipinagbago ni Althea– in a good way. Dati noong ipinagbubuntis ko pa lang si Jhea ay palagi akong nao-ospital dahil sa maselang kalagayan. Siya ang nagbabantay sa akin pero instead na alagaan ako, ako pa 'yong namimilit na pakainin niya.


     Tiningnan ako ng aking kaharap, mariin na tila sinisigurong nagsasabi talaga ako ng totoo. "S-Sure ka busog ka na?"


     "Oo nga." Gusto ko na siyang kurutin pero ba't ang cute niya? Hinila ko na lang ito para halikan ngunit mabilis niya akong pinigilan.


     "O, ano na namang gagawin mo?"


     Ah, kunwari ka pang 'di mo alam ang gusto kong gawin. Naka-smirk ka pa talaga.


     "Jade!"


     Napasigaw siya nang bigla kong hilahin ulit na ikinaupo niya sa tabi ko. Hindi na rin ito nakahuma dahil inatake ko siya agad ng isang makapugto-hiningang halik.


     Sige ungol pa love. Ang sarap sa pakiramdam at pandinig knowing na ako naman ang nagpaungol dito. Uminit ang pakiramdam ko kahit air-conditioned naman dito sa kinaroroonan namin. Ang hot kasi ni love-love.


     Although nag-aaway-bati kami these past couple of days, hindi ko naman magawang patagalin ang pagkainis ko sa kaniya. I love this woman so much even though she drives me nuts sometimes. Nanlalambot at bumibigay kaagad ang puso't isip– minsan pati katawan ko kapag may halong lagkit na ang tinging ipinupukol niya sa akin.


     Isang tikhim ang nagpatigil sa amin from kissing the life out of each other. Napa 'tsk' tuloy ako sabay tingin sa doorway, hihiga na kasi sana ako sa kama at hahatakin si Althea.


     Nang ibaling ko ang tingin doon, nakita kong may nakatayong babae sa slightly open na pinto. Nakasuot siya ng white coat over a peach dress but she's not looking directly at me and Althea and her cheeks are red, probably 'cause of what she just saw.


     Uminit ang mga pisngi ko, ramdam ko ang pamumula nito dahil din sa hiyang nadama.


     "Sorry I didn't knock." She apologized at sasagot na sana akong 'it's fine' ngunit naunahan ako ni Althea.


     "Okay lang po dok– ma'am Faye!"


     Kunot-noo kong tiningnan ang aking katabi when I heard her say the lady's name in a surprised tone.


     "Althea?" Maririnig naman sa boses ng babae ang pagtataka nang magawi ang kaniyang titig kay Althea. "Anong ginagawa– oh wait," may binasa siya sa hawak na papel, "–Jade Alexandra Galura, siya ba ang sinasabi mong asawa?"


As Long As I Am With You (Bizarre Love Triangle Part II)Where stories live. Discover now