IV

172 11 0
                                    

As Long As I Am With You
(Bizarre Love Triangle - Part II)




Chapter
IV



Jade's PoV


Papasok na ako ng gate when I stepped on the brakes of the car I'm driving nang mapansin ko ang isang itim na van na naka-park sa tapat ng pintuan ng bahay namin.


     Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga tao– tatlo silang lahat ayon sa nakikita ko, nakasuot ng itim na suit habang nakatayo sa likurang bahagi ng sasakyan at may hawak na mga medium sized boxes sa kani-kanilang mga braso.


     'Sino ang mga 'yan and what are they doing inside my house?' Tanong ko sa sarili when I noticed two other persons dressed the same as them na lumabas ng bahay.


     Parking my car just behind the van, nagmamadali ko silang sinundan na ngayo'y papasok ulit sa loob ng bahay.


     "What's going on?" Agad kong tanong kay yaya Yolly na nakatayo sa harap ng grupo.


     "Jade, mga kasamahan daw sila ni Althea sa trabaho. Naparito sila para ihatid ang mga 'yan o." Inginuso nito ang mga box na kalalapag lang ng lima sa sahig ng sala. "'Yong asawa mo naman nasa taas."


     "Umuwi na po si Althea?" Excited kong tanong. Ni hindi ko na pinagka-interesang alamin o itanong kung anong laman ng mga box.


     "Momma look!"


     But before yaya Yolly could answer again ay lumabas bigla si Jhea from the living room na may bitbit na skateboard. Maliit lang naman, pang-toddler size pero nakadama ako ng takot nang maisip ang maaring mangyari once she plays with it.


     "Goodness," I muttered habang nilalapitan ang anak ko. When I reached her ay agad kong kinuha ang skateboard na yakap-yakap niya. "Who gave you this? You're not allowed to use this thing yet."


     "But mami gave dat to me, it's her shurprise daw poh."


     Oh! So, si Althea pala ang nagbigay nito. Mula sa pagtitig sa nakangusong mukha ni Jhea ay nilipat ko ang tingin sa skateboard. It looks cute actually, kulay asul at puno ng mukha ni Queen Elsa ang design kaya alam kong gustong-gusto ito ni Jhea hindi ko man itanong sa kaniya.


     I was still checking the skateboard out nang marinig kong nagpapaalam nang aalis ang mga 'bisita' but I didn't pay them any mind. What I'm thinking right now kasi is ang umakyat at puntahan sa kwarto ang asawa ko, I miss that wife of mine so much and I can't wait to see her.


     But before ko gawin 'yon, hinintay ko munang bumalik si yaya mula sa paghatid sa kanila sa labas to ask her where André is.


     "Yaya, si André po?"


     "Dinala ng asawa mo sa taas." Sagot niya kaya nagpaalam na akong aakyat. Isinama ko si Jhea na nakanguso pa rin habang nakatitig sa skateboard na nakapatong sa counter top sa aking tabi.


     Pagdating namin dito sa kwarto, tumakbo kaagad ito patungo sa kinaroroonan ng kaniyang mami which is sa kama– nakahiga ang asawa ko at nakaupo naman sa tiyan nito si bunso.


     "Mami!"


     Napaupo si Althea pagkarinig sa boses ng anak namin. Then she gently took André from his sitting position at kinandong ito saka naman pinaupo si Jhea sa kabilang side niya.


As Long As I Am With You (Bizarre Love Triangle Part II)Where stories live. Discover now