I

331 10 1
                                    

As Long As I Am With You
(Bizarre Love Triangle - Part II)




Chapter
I



Jade's PoV


It's the middle of the night nang magising ako ng hindi sinasadya at nahagip ng paningin ko si Althea. Ang himbing-himbing ng tulog niya kaya imbes na pumikit at matulog muli ay pinagmasdan ko muna ang mukha nito hoping na magising siya at titigan ako kagaya ng ginagawa ko ngayon. Miss na miss ko na siya. Nitong mga nagdaang araw kasi buhat nang umuwi kami ng mga bata ay hindi niya sinasalubong ang mga titig ko at mabilis siyang umiiwas kapag sinusubukan kong kausapin.


     Hinaplos ko ang pisngi nito pero tumigil makaraan ang ilang segundo. Baka kasi magising siya at layasan ako, ayoko namang mangyari 'yon.


     Well, hindi naman talaga siya lalayas ng bahay literally. She'll just transfer to either Jhea's or André's room at doon na matutulog hanggang umaga gaya ng nangyari the other night when I accidentally kneed her on the crotch habang naghahanap ng komportableng posisyon. Mag-isa tuloy akong natulog dito sa pagkalaki-laki naming kama.


     Looking at her right now, feeling ko ang layo-layo niya kahit magkatabi lang naman kami. Bakit ba kasi ito ang kamang napili kong bilhin noon? Bukod sa isang dipang layo namin sa isa't isa ay may naka-barricade pang mga unan sa gitna courtesy of her na parang she's afraid of getting close to me unconsciously.


     Mabaho ba ako? Inamoy-amoy ko ang sarili. Hindi naman ah. Naligo kaya ako kanina before matulog. Nakakainis. Kaya kahit gustong-gusto ko nang yakapin ito, hindi ko na lang ginawa. Sa halip, pumikit ako upang matulog ulit.


     Pero ilang segundo pa lang ang lumipas, may pumatong bigla sa bewang kong something long and warm. When I opened my eyes once again ay napag-alaman kong ang isang braso pala iyon ni Althea.


     I smirked. Lumagpas ka sa makeshift barrier mo love-love. Kinuha ko ang mga unan sa gitna namin and pulled her slowly towards me habang dahan-dahan din akong lumalapit sa kaniya. Ang galing mong mag-ninja moves kahit tulog ah.


     Kinikilig ko siyang hinalikan sa labi saka pumikit. Finally, makakatulog na ako ng mahimbing.







     Paggising ko kinaumagahan, ako na lang mag-isa ang nandito sa aming kama. Althea's gone at malamang nasa baba na't kumakain ng breakfast.


     Hopefully.


     Umaasa akong maaabutan ko pa siya dahil lagi na lang siyang umaalis ng maaga araw-araw. Umaalis at hindi nagsasabi kung saan pumupunta, ni magpaalam nga ay hindi niya ginagawa.


     Naghilamos na lang ako before going downstairs dahil bukod sa nagmamadali akong maabutan ang asawa kong iyon, useless lang ang effort na maging mabango for her, hindi naman niya ako pinapansin eh.


     Pagdating sa sala, agad kong nakita si Jhea na nakaupo sa katabing dining area habang nakatayo sa tabi niya si Althea na karga-karga naman si bunso.


     Gumuhit ang isang napakalawak na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang tatlo sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko; ang asawa kong kahit hindi madali ang ginagawa ay pinapakain ang panganay namin habang nasa isang bisig niya si André who's not that tiny anymore. Our little boy is growing up so fast kaya naman may kabigatan na siya pero walang kahirap-hirap silang inaalagaan ng kanilang mami. Which hindi ko kayang gawin sa totoo lang.


As Long As I Am With You (Bizarre Love Triangle Part II)Where stories live. Discover now