II

236 11 6
                                    

As Long As I Am With You
(Bizarre Love Triangle - Part II)




Chapter
II



Jade's PoV


Dismayado kong ibinalik sa center table ang cellphone ko pagkatapos i-check kung may bagong message ba na dumating.


     Gaano ko man kasi katagal titigan ang screen, wala talagang nangyayaring himala. Himala galing sa asawa ko. Feeling ko tuloy parang naulit na naman ang nangyari sa amin last time, 'yong nasa bahay ako nina dada at tinatawagan ko si Althea but she's not answering.


     Tatlong araw ko nang hinihintay kung may karugtong ba ang text na ipinadala niya last Thursday saying na hindi siya makakauwi dahil isinama siya ng kaniyang boss for an out of town work related matter. Pero hindi kinumpleto ng asawa kong 'yon na may katagalan pala ang lakad nila, akala ko isang gabi lang.


     I exhaled loudly then raised my head only to see kuya Paul smirking while comfortably sitting at the single sofa right in front of me.


     "What?" I asked in a very mataray tone. But instead na tumigil sa ginagawa, mas nilaparan pa ng kapatid ko ang pagngisi.


     "Warla pa rin ba kayo ng love-love mo?"


      Naningkit ang mga mata ko. Obvious na nga kasi, nagtanong pa. "You're so gay talaga." I said na lang instead na sagutin ang tanong niya. "And why are you here pala?"


     Kung kani-kanina lang tuwang-tuwa pa siya, nag-iba bigla ang expression sa kaniyang mukha. Napalitan iyon ng— pagkabahala? Pero mabilis lang naman ang pagdaan no'n at muli na naman siyang ngumisi na parang baliw.


     "I'm offended sis." Maarte niyang saad sabay lagay ng isang palad sa kaliwang dibdib. "Nakalimutan mo na bang bakla talaga ako? And to answer your question, I'm here to visit you and my pamangkins." May pagkamataray rin niyang dagdag and I think I know why.


     Pang-limang beses na yata niyang nasabi sa akin 'yon. Nabanggit ko kasi last night when he called na hindi pa nakakauwi ang asawa ko since Althea left noong Thursday and he told me he'll come here today dahil Sunday naman, wala siyang pasok ngayon sa office.


     "You seem," saglit siyang tumigil at tinitigan ako na parang pinag-aaralan. "Distracted. Do you have a problem?"


     I shrugged a shoulder before returning that question back at him. "Well, do you?" Nakataas pa ang isang kilay ko habang nakatitig sa kaniya. Feeling ko kasi mukhang siya ang mas may mabigat na problemang dinadala kaysa sa akin. "And why are you still here pa? Wala ka bang planong umuwi?" Gabi na kasi at kaninang umaga pa siya nandito. I waited for him to answer me but he didn't speak kaya naman nagsalita ulit ako pagkatapos ng ilang saglit. "Fine. I do have a problem at 'yon ay si Althea. She's still not talking to me." Malungkot kong pagtatapos.


     Pero ang mabait kong kapatid, aba'y pinagtawanan ako na para bang isang joke lang iyon.


     "Kasi naman bunso, 'di ba sinabi kong magpaalam ka muna sa kaniya before ka sumama sa Tagaytay? Pero hindi mo ginawa eh kaya hayan—"


     "Alam ko namang mali ang ginawa ko." I said rolling my eyes at the same time. Pa-ulit ulit kasi kung ipaalala niya 'yon sa'kin. "Nagseselos lang naman ako that time—"


     "Kaya ka nag-alsa balutan?"


     Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling pagtawanan ito. "Para kang si ah ma kung magsalita. Alsa-balutan talaga?  Hindi ba pwedeng nagpalipas lang ako ng sama ng loob?"


As Long As I Am With You (Bizarre Love Triangle Part II)Where stories live. Discover now