III

179 11 3
                                    

As Long As I Am With You
(Bizarre Love Triangle - Part II)




Chapter
III



Jade's PoV


Napabangon ako nang magsimulang maglakad papalabas nitong kwarto ang asawa ko sapagkat isa lang ang ibig sabihin no'n.


     Aalis siya!


     "Althea!" Pasigaw kong tawag pero parang wala siyang narinig. Nagpatuloy lang kasi siyang lumabas habang ako nama'y gusto nang umiyak sapagkat iiwan na niya ako pagkatapos ng ilang taong pagsasama namin bilang mag-asawa.


     Sa kagustuhan kong mahabol siya'y napatayo ako ng mabilis. Pero wrong move dahil nahilo ako kaya napaupo ako pabalik sa kama at pikit-matang huminga ng ilang beses. Oh crap! Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Nakakainis.


     Pinakiramdaman ko muna ang sarili ng ilang saglit saka ko ipinasyang lumabas ng kwarto, and when I reached the hallway ay lakad-takbo kong tinungo ang hagdan never minding na napaka-delikado ng ginagawa ko dahil maaari akong matapilok at mahulog. Pero hindi ko na iyon inisip, ang importante kasi ay ang mahabol at mapigilan ko si Althea sa pag-alis.


     Malapit ko nang marating ang unang palapag when my left foot missed the third step to the last at huli na bago ako makahawak sa railings.


     Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko, mahuhulog ako kung kailan kailangan kong mahabol si Althea.


     Wala na akong nagawa kundi pumikit at hintaying bumagsak ang katawan ko sa sahig. "Aagh!"


     Bumalikwas ako at habol-hiningang nagpalinga-linga sa buong paligid at nang makitang nasa loob pa rin ako ng kwarto ay napahinga ng maluwag. Thank God. Panaginip lang pala kasi iyon.


     Ngunit kinabahan ulit ako nang madako ang paningin ko sa sahig na malapit sa kinaroroonan ng pinto. Wala na kasi ang mga bags doon na nakita kong ini-empake ni Althea kagabi.


     Or maybe panaginip din lahat ng nakita ko last night? Maybe sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya'y napapanaginipan ko na rin siya? Baka nga.


     Walang gana akong bumangon but this time ay dahan-dahan lang para hindi ako mahilo. Past 8 in the morning na eh at isa pa, gising na ang mga anak ko kapag ganitong oras kaya kailangan ko na silang puntahan.


     Pagdating ko dito sa baba, si yaya Yolly ang agad kong nakitang pumasok galing sa likurang pinto ng bahay at may bitbit sa isang kamay that I recognised as my son's feeding bottle.


     "Magandang umaga sa'yo, hija. Hinahanap mo ba ang mga anak mo?" Tanong niya sa'kin nang makita ako, na siya rin ang sumagot by saying that they're at the garden kasama si kuya Paul.


     Napakunot-noo ako. Bakit nandito pa ang isang 'yon? Akala ko kasi umuwi na siya kagabi.


     "Ah, salamat po yaya. Pupuntahan ko po muna sila." Paalam ko and went to the back porch. Nagmadali ako ng kaunti sa paglalakad because I can't wait to hear my brother's excuse why he's still here, Lunes na Lunes pero hindi siya pumasok ng office.


     Pero bago ko siya tanungin, binigyan ko muna ng tig-iisang halik sa ulo ang mga anak kong cute na cute sa suot nilang pantulog. "Good morning." Bati ko sa mga ito pagkatapos and took André from kuya who's sitting quietly on his lap at pinupog ng halik ang chubby cheeks ni bunso. Nakakagigil eh.


As Long As I Am With You (Bizarre Love Triangle Part II)Where stories live. Discover now