"Ang gwapo Sabrina, kaano-ano mo?"

"Baka amo nya, katulong ka ano?" mapanghusgang banat ni Aling Melba sakin.

Hindi na ako nakasagot dahil nakalapit na si Harper sa amin.

"Hello po, magandang hapon ho" masigla nyang bati sa mga tao sa paligid. "Hi" bati nito sakin.

"Ang gwapo mo naman hijo, kaano-ano mo si Sabrina?" tanong nung isang kapitbahay ko.

"Tara na, mauna po muna kami" I cut them off bago ko hinila si Harper papasok sa eskinita kung nasaan ang inuupahan namin ni Misha.

Narinig ko pa ang ibang patutyada ni Aling Melba pero hindi ko na pinansin.

Nagulat pa ako ng mabangga ko ang likod ni Harper na tahimik na pinagmamasdan ang mga gamit namin na nasa labas.

"Ano kasi-

"Are you okay, Sabrina?" bumaba ang tingin nito sakin kaya napalunok ako.

"A-ayos lang naman, nagkaproblema lang sa landlord ko kaya ganito"

"Dapat sinabi mo, I will help you-

"Pero ang dami mo ng naitulong sa aming mag ina, ayoko namang isipin ng iba na tinitake advantage kita"

"Sabrina, you shouldn't keep things like this, we agreed to act, while you are helping me I have a responsibility to both you and Misha"

"Harper"

"I have a spare room at my condo, I don't usually stay there kaya please just move there for the meantime hanggang sa mahanap ko kayo ng sarili nyong place"

"Pero hindi mo naman kami responsibilidad"

Hindi sya sumagot sa halip ay inilabas nya ang phone nya sa bulsa, he dialled and then he put the phone to his ears.

"Harper"

Huminga ito ng malalim bago ako tiningnan ulit.

"You're not forgetting as well na I told Misha, I'll be the best father for her" nagulat ako ng bahagya nitong ibinaba ang ulo nya para maging magka level kami.

Bahagya akong napaatras dahil baka lumabas ang puso ko dahil sa kaba.

"This is me being a good father, I will take care of the both of you habang nasa poder ko kayo, so please let me, mommy"

He winked and then parang right on queue ay may sumagot ng tawag nya kaya naglakad ito palayo sakin.

Mommy?

Ang lakas ng tama ng lakaking ito, habol na habol syang alagaan kami at magka responsibilidad samin ni Misha samantalang karamihan sa lalaki ngayon ay tinatakbuhan ang ganitong bagay.

"Let's go" sabi ni Harper kaya napatingin ako sa kanya. "Yung unicorn pajama ng mahal na prinsesa?"

"Nandito" itinaas ko ang hawak kong paperbag.

He smiled at nauna ng maglakad na akala mo ay lumaki sya sa squatter area na ito.

"Harper" I called him kaya he turned around to face me.

"Hmm?"

"Salamat" I finally told him. "Pero maiiwan na ako kasi tatawag pa ako ng masasakyan para maghakot-

"You don't need to worry about that, tinawagan ko na yung butler namin, they will be the one to transfer your things sa condo"

"Salamat talaga"

"Let's go, naghihintay na yung magandang bata satin" he told me kaya naman nagmamadali akong sumunod sa kanya.

Palabas na kami ng eskinita ng humarang si Aling Melba.

"Nako mag iingat kayo sir sa ganyang katulong, napapalayas ng landlord dahil di makabayad ng upa"

Nakita ko namang nagtanguan ang mga iba kong kapitbahay.

"Hindi ko naman ho katulong si Sabrina" he stopped walking at nagulat ako ng ilahad nya ang kamay nya sa akin.

Nagdadalawang isip man ay tinanggap ko ito, he pulled me closer at inilagay sa harapan nya para mauna.

"Huwag po kayong mag alala, hindi na po mapapalayas ulit tong mapapangasawa ko"

He smiled at them before pushing me to move forward.

"Tara na, baka madala pa natin kay Misha yung virus dito" ibinulong nya sakin kaya napangiti na lang ako.

Hindi ko alam kung bakit may ganitong klaseng lalaki, hindi ko alam kung bakit nag krus ang landas namin pero hindi ko rin malaman kung bakit ano mang iwas ng puso ko sa hapong doktor na ito ay syang mas nagpapalapit sa akin sa kanya.

----
To be continued.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Daughter's Pediatrician (Medseries #3)Where stories live. Discover now