Chapter 4

5.2K 255 98
                                    

Sabrina Gaile

"Sabrina, kamusta si Misha?" tanong ng kapitbahay ko na kasalukuyang naglalaba sa kalsada.

"Nasa ospital pa rin ho aling melba, umuwi lang ho ako para kumuha ng damit nya" magalang kong sagot.

"Ay ganoon ba, sana ay gumaling na sya, oo nga pala galing dyan yung landlord mo kaninang umaga, galit na galit kasi delay ka na raw ng ilang buwan sa renta"

I bit my lip, masyado kasi akong maraming naging gastos lately kaya naman hindi ako nakapagbayad.

Nagmamadali akong pumunta sa inuupahan namin at halos manlumo ako ng makitang naka lock ito at nasa labas na ang mga gamit namin ng anak ko.

Napahawak ako sa noo ko dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, the last thing I need once my daughter is okay ay ang matulog sa kalsada.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para i dial ang number ng landlord ko, makikiusap na talaga ako dahil walang-wala ako ngayon.

Nakakailang dial nq ako pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Napaupo ako sa isang gilid dahil sa frustration. Dapat ba tinanggap ko na lang ang tulong ng magulang ng tatay ni Misha?

Pero sila ang may dahilan bakit napilitan itong mangibang bansa at doon binawian ng buhay, kasalanan nila kung bakit walang ama ang anak ko ngayon!

Nag ring ang cellphone ko kaya naman nagmamadali akong sagutin iyon. I already pressed the answer button ng makita kong unregistered number iyon.

"Hello, sino ito?" I tried to sound okay pero naiiyak na ako sa frustration.

"Sabrina" he just called me at recently lang kami nagkakilala pero hindi ko alam pano ko nakabisado ang boses nya. "Hey S-sab, are you there?"

"H-harper" napatayo pa ako sa pagsasabi lang ng pangalan nya. "B-bakit ka napatawag?"

"Si Misha kasi may hinihirit sakin, kung pwede ko daw bang daanan yung unicorn pajama nya, yun daw kasi ang gusto nyang suot pagdalaw ni mommy at daddy sa kanya mamaya"

I can hear that he is driving dahil may mga bumubusina. I sighed, ang good timing mo naman anak!

"Ako na lang ang magdadala tutal nandito naman ako sa bahay"

"Where are you, I am already outside, daanan na lang kita para kasabay na kitang bumalik"

Nakagat ko ulit ang labi ko. I wanted to turn him away, ayokong makita nya ulit ako sa nakakaawang sitwasyon pero hindi ko alam kung bakit sa huli ay sinabi ko ang address kung nasaan ako.

Halos magkahaba-haba ang leeg ng mga kapitbahay ko lalo na ni Aling Melba dahil sa pumaradang sasakyan.

"Ang ganda ng kotse, halatang pang mayaman" sabi ng isa sa mga kapitbahay ko.

"Sino naman ang sasadyain dito?"

"Baka sa anak ko iyan, alam nyo naman ako lang ang may graduate na anak dito" pagmamayabang ni Aling Melba.

Narinig ko pa ang pagsinghap nilang lahat ng marinig kong bumukas na ang pintuan ng sasakyan at paniguradong nakababa na si Harper.

He is wearing a light green polo at cream pants, ang linis at sobrang gwapo nitong tingnan kaya naman hindi ko masisisi ang mga tao maski ang sarili kong hangaan sya.

Umikot ang paningin nito sa paligid, halata mong naninibago sya pero nung makita nya ako ay mabilis itong ngumiti at kumaway sakin.

"Akala ko ba sa anak mo mare?" mapang asar na sabi ng isang kapitbahay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Daughter's Pediatrician (Medseries #3)Where stories live. Discover now