CHAPTER 42

366 27 1
                                    

Mainit na panahon, maingay na kapaligiran at ang mga mag-anak na nakangiting magsasalubong ng kanilang pamilya o di naman ay nagiiyakan na pamilya dahil may aalis ng bansa ang nakikita ko sa paligid.

"Manang I'll miss you" wika ko kay Manang

Nasa Airport kami ngayon dahil inihatid namin si Manang. Ngayon kasi ang uwi niya sa Probinsya at this time for good na siyang uuwi sakanila, hindi na siya babalik dito sa Manila. Matanda na rin daw kasi si Manang at gusto niya nalang makasama ang mga anak niya sa probinsya.

Ayaw ko sanang pumayag dahil kahit papaano ay napalapit na talaga siya sa akin pero wala akong magagawa, kailangan niya ng umuwi sa pamilya niya at isa pa halos hindi na rin naman ako namamalagi sa bahay dahil panay ako punta kila Mommy.

"Anak ako rin mamimiss kita, aalagaan mo ang sarili mo rito huh? Tumawag ka lang sa akin kung may kailangan ka. Anytime pwede kang dumalaw sa probinsya, mamasyal kayo ron" ngumiti lang naman ako pagkatapos niyang magsalita. Ayaw kong magsalita gaano dahil kanina ko pa pinipigilan ang emosyon ko, feeling ko kasi anytime ay iiyak na ako.

"Dan alagaan mo itong si Xandra huh? Tumawag ka rin sakin kahit anong oras kung may problema" bilin niya kay kuya dan na kanina pa din tahimik.

"Ano ba kayo? Bakit ang tahimik niyo?" Pangiti ngiti pa niyang sabi pero ramdam ko rin ang pagpipigil niya ng luha.

"Manang" wika ko at yumakap ng mahigpit sakanya, hindi ko na napigilan ang luha ko at naiyak na ako. Nakiyakap na rin si kuya Dan sa amin at nagiiyakan kami sa may Airport.

"H-hindi ka na po ba talaga babalik?" Tanong ko. Nginitian niya lang ako at hinaplos ang buhok ko.

"Anak andiyan na ang totoo mong mga magulang, pero hindi ibig sabihin nun ay iiwan na kita. Kahit anong oras basta kailangan mo ako ay pupuntahan kita pangako yan. Dadalaw dalawin naman kita"

"P-promise po huh? Promise me manang"

"I promise xandz" tumango ako at ngumiti

"Osiya mauuna na ako at tinatawag na ang flight ko. Ang mga bilin ko huh. Xandra wag kang papalipas ng kain nako bata ka"

"Opo Manang, magiingat po kayo. Message me agad pagkarating niyo"

"Iloveyou manang" wika ko at niyakap ulit siya.

"Kuya Dan salamat po sa paghatid" wika ko kay kuya Dan bago bumaba ng sasakyan.

Saktong mag aala una na ng hapon, pagkatapos naming ihatid si Manang sa Airport ay dumiretso na kami dito sa school dahil may klase pa ako ng hapon.

"Okay ka lang ba Xandra? Kanina ka pa tahimik" wika niya kaya napahinto ako sa pagbaba sana sa sasakyan. Tumingin ako sa salamin at nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Okay lang po ako kuya, medyo malungkot lang dahil naiisip ko si Manang" wika ko. Lumingon naman siya sakin.

"Ganun talaga ang buhay Xandz, may mga bagay na kahit anong sanay at lapit na natin mababago at mababago parin" tumango nalang ako at ngumiti sakanya.

I agree with him, proven and tested na yan na hindi lahat nag istay pero masakit parin pala kahit ilang beses ng nangyari sa buhay mo na may umaalis. Parang di ko yata kakayanin na may umalis pa bukod kay manang.

"Kahit ano man ang mangyari kuya malaki parin ang pasasalamat ko sayo lalo na kay Manang kasi kayong dalawa yung gumabay sakin nung mga panahong wala akong makapitan"

"Walang anuman Xandra, pamilya na rin ang turing namin sayo"

"Salamat kuya, mauna na po ako bago pa tayo magiyakan dito" wika ko natawa naman siya.

Dust From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon