Bakit pa babalik kung sa una palang ay hindi na hinanap? Bakit pa kailangang maging malapit ulit kung sa dulo ay lalayo rin naman at ngingiti ng mapait? Bakit kailangang magulo ang nakasanayan nang dahil lang sa nalaman na katotohanan? Handa nga bang magpatawad sa trahedyang hindi naman ginustong maganap? Maaari bang maibalik ang dati? Mababago ba ang takbo ng buhay o sa dulo ay mananatiling sawi?