CHAPTER 13

347 15 1
                                    

A months later

Mabilis na dumaan ang araw at halos walang araw na hindi ka gabi umuwi at nabusy sa school, maraming activities ang nakapila na dapat niyong gawin. Cinareer mo ang pagiging masipag kaya kahit weekends ay wala kang karapatan para magpahinga.

"Where are you going?" Vien asked when you suddenly grab your books and bag

"Library Vien, hindi na muna ako sasabay sa lunch huh? Kailangan kong matapos yung Activity kay Mr. Fontanilla eh. Gusto ko na rin kasing matapos lahat ng activity na naghihintay sakin" you answered and about to go outside when jaycee grab your hand.

"You have to eat. Mamaya ka nalang pumunta ng Library, sasamahan ka namin" seryosong wika niya at hinila ka palabas ng classroom. Sumunod din naman agad si Vien sainyo.

"Jeyz bitaw nga, hindi pa ako nagugutom" iritado mong sabi.

"And It doesn't mean na hindi ka na rin kakain. Ilang linggo ka ng nagpapalipas ng lunch and recess ah, kaya ang payat mo eh" seryoso siya pati si vien na maloko ay hindi magawang magjoke dahil naffeel na magkakaroon ng gyera sainyo.

"Eh sa hindi nga ako gutom eh, kakain naman ako kung nagugutom ako. Bakit parang mas marunong ka pa sa akin ha?" Napalakas na wika mo na ikinagulat ng dalawa.

"Xandz your voice" mahinang wika ni Vien habang natingin sa paligid.

Ang ilang estudyante ay pinagtitinginan na kayo, ang iba naman ay masama na ang tingin sayo dahil sinigawan mo ba naman ang campus crush ng school niyo.

Sus, as if you know matagal ng kumukulo ang dugo nila sayo dahil kayo ang palaging kasama.

"Please let me go. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang masusunod, kung sinabi kong hindi muna ako sasama sainyo intindihin niyo. I have things to work on din kaya please lang huwag na kayong sumabay sa dami ng iniisip ko" wika mo. Nakatingin lang sila sayong dalawa.

"Really? Sumasabay kami sa mga iniisip mo? Pasensya na ha kung nakukulitan ka sa amin kung gusto lang naman namin ang makakabuti sayo. Masama na pala ang maging concern" sarcatic na wika na vien, napikon na rin sa mga sinabi mo.

"Thanks for the concern but I don't think I need it. I know myself more, alam ko kung kailan kaya ko pa at kung hindi na so you guys don't have to dictate what should I do, understand?"

"Eh hindi mo naman pala kami kailangan eh, edi kung ganun magkanya kanya na tayo" sagot naman ni vien sayo.

Napapalakas na rin ang kanyang boses, at ang mga estudyanteng dumadaan sa tabi niyo ay napapahinto.

"Vien stop it" si jaycee na hindi na rin nagugustuhan ang nangyayari.

"Para lang sa pinapasama kang kumain nagkakaganyan ka na? Anong nangyayari sayo Xandra? Bakit nagiging Immature ka?"

"Vien I said stop it. We're making a scene here nakakahiya"

"If you don't need us, hindi ka rin namin kailangan" wika ni vien at naglakad na paalis. Mukhang uminit talaga ang ulo niya sa mga nasabi mo, minsan lang maging ganun yun.

"I don't know what's happening to you Xandra, kung paano mo nasabi ang mga iyon. Fix yourself first before fixing this trouble with vien. Don't worry ako na muna ang bahala sakanya" wika ni Jaycee at naglakad na rin palayo. Susundan ata si vien.

Napatulala ka ng maiwan ka sa gitna ng hallway. Every students na nasa paligid mo ay nakatingin sayo. You ignore them at naglakad ka nalang papunta ng library.

Hindi mo rin naman ginusto ang nangyari at ang mga nasabi mo, sadyang nakulitan ka lang sakanila dahil this past few weeks ay lagi ka nalang nilang kinukulit siguro ay nahahalata nila na palagi kang wala sa mood. Aaminin mo kasalanan mo din kaya naging ganun ang reaksyon nila lalo na ni Vien.

Dust From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon