CHAPTER 40

378 22 3
                                    

"Manang sinong magddrive ng sasakyan niyo?" Bong asked at lumapit sa akin.

"I'm not sure, If its not borgy maybe its Mark" sagot ko. Tumango naman ito. Tumabi siya ng upo sa akin.

Nandito lang ako sa sala at nakaupo sa sofa habang Ang lahat ay busy magprepare ng mga gamit at pagkain na dadalhin para sa outing namin, continuation daw ng birthday ni Irene kaya nagkayayaan silang pumunta sa isang private resort dito sa Ilocos.

"Looks like you both are okay na huh" bong said. Here we go again.

"Yeah, and if you're going to ask me again kung nagkabalikan ba kami my answer is no" inunahan ko na siya. Umiling naman ito at natawa.

"Hindi ka ba talaga marupok manang?" Pang aasar pa nito.

"Kung marupok ako bong sana dati pa kami nagkabalikan"

"Yeah whatever manang, basta kung ano man ang sa tingin mong makakapagpasaya sayo, we will support you" wika nito and then tap my shoulder, napangiti naman ako dun.

"Aba andaya niyo, anong chika diyan?" Irene said at agad na nakisiksik sa amin sa sofa.

"Ano ka bata?"

"Baby face lang po" wika nito sabay tawa. Napailing nalang kaming dalawa ni bonget.

"Bong Van ba ang gagamitin niyong sasakyan? Sainyo na ako sasabay" Mommy said pagkalapit niya sa amin.

"Okay mom"

"Irene umurong ka unti ang sikip na oh" reklamo ni bong

"Aba sinasabi mo bang mataba ako huh?" Napatingin naman si bong sakanya at sa akin, parang naguluhan sa pagtataray ng mahal naming kapatid.

"May sinabi ba ako? Wala naman ah, sinabi ko lang na umurong ka dahil masikip"

Umirap si Irene sakanya, "ganun na rin kaya iyon" napailing nalang ako sa dalawang ito, madalas sila ay sweet sa isa't isa pero maya maya ay nagkakainisan na.

"Mom oh, parang mga bata nanaman" sumbong ko.

"Aba manang sumbungera parang bata rin" irene said natawa naman sila ni bong, oh tignan mo nagkasundo nanaman sila parang kanina lang ay nagkakainisan.

"Tumigil na kayo riyan, lumabas na tayo dahil mukhang tapos na silang mag ayos ng mga gamit" mommy said. Tumango naman kami at sabay sabay na naglakad palabas ng bahay.

Nakaready na ang mga sasakyan na gagamitin papuntang resort. Si bong ang magddrive sa van nila, sa sasakyan naman ni Irene ay si Alfie at sa amin ay si borgy o di kaya ay si Mark.

"Mommy halika na, antagal niyo po kanina pa namin kayo hinihintay lumabas na magkakapatid" reklamo ni Xandra kaya agad na akong sumakay sa amin.

"Mark ikaw magddrive?" Bong asked habang nakasilip sa bintana. Mark is the one who's going to drive at sa tabi nito ay si borgy. Nasa likod kaming dalawa ni Xandra at sa harap namin ay si Matt at mike.

"Yeah, Im not familliar sa daan kaya susundan ko nalang kayo"

"Okay okay, drive safely" wika ni bonget at naglakad na patungo sa sasakyan nila.

"Borgy, Mike and Matt kayo na ang magbitbit nitong mga gamit natin, at tulungan niyo pagkatapos ang mga pinsan niyo sa mga pagkain natin dahil iaayos namin ng tita irene nyo mamaya" utos ko sa tatlo. Kakarating lang namin sa private resort, mga isang oras din ang biyahe namin pero sulit naman dahil pagkarating namin ay sariwang hangin at magandang tanawin ang sumalubong sa amin.

"Want to sleep first anak?" I asked Xandra na kanina pa inaantok pero hindi daw makatulog.

"Later nalang po mommy" tumango naman ako. Pumasok na kami sa Villa at nakita namin sila mommy na nasa sala ang mga boys ay busy pa sa pagbubuhat ng mga gamit.

Dust From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon