❦ CHAPTER 2 ❦

18 6 0
                                    

                       •°• SMILE •°•

  MAAGA akong nagising ngayon dahil ang gorjas ko. 4 o'clock pa lang at hinahanda ko na ang mga gagamitin ko para sa pagpasok.

  Tinatamad na talaga ako sa true lang. Wala kasi akong ka-chikahan sa school. Nahihiya siguro sila na makipag-interact sa akin kasi ang gorjas ko tapos sila mukhang gusgusin.

  Venizia, kain na para makaligo ka na't ang dami niyo pang mag-uunahan diyan sa cr,” ani Mommy.

  Isa lang kasi ang CR namin dito. Hindi talaga kami mayaman. Kaya lang “mommy” ang tawag namin ay dahil mayaman ang family ni Mommy at siyempre ay dahil trip niya lang.

  Apat na magkakapatid sina Mommy, siya ang panganay at nag-iisang babae. Si Mommy lang ang namumukod tanging hindi nakaangat sa buhay. Kumbaga, si Mommy ang pinkapasaway kaya naging ganoon ang estado ng buhay niya ngayon.

  NATAPOS na akong kumain at sinimulan ko na ang pagligo.

  Ang lamig ng tubig, feeling ko maninigas na ako at magiging yelo. Gustuhin ko mang mag pa-init ng tubig para hindi ako lamigin, ay hindi ko magagawa. Dahil wala naman kaming gas stove, in short like your height na short kahoy lang ang ginagamit namin upang makapag-luto ng pagkain.

  Dali-dali akong nag-bihis dahil napaka-lamig talaga, parang siya.

  Nag-ayos lang ako at handa na para sa pag-alis. Kaso 'yong pa-epal at pangit kong kapatid na si Vianca ay hindi pa tapos maligo, kaya naman hihintayin ko pa siya para sabay na kami pumasok.

  Maaga pa rin naman kaya kerbs lang mag-wait, gorjas pa din naman ako haizt.

  NAGLALAKAD na kami ni Vianca papasok. Malapit lang naman ang school namin kaya puwede nang lakarin.

  Hinatid ko muna ang pangit kong kapatid sa kaniyang room at dumiretso na ako sa room ko. Marami-rami na din ang mga kaklase kong naririto. At isa na doon si Bellann.

  Nami-miss ko na siya, gusto ko na siyang makausap. Pero sa gorjas kong ito, hindi ako ang unang makikipag-approach. Napadami kasi ang PRIDE chicken na nakain ko.

  Umupo na ako sa aking upuan. Mabuti na lamang at nag-seating arrangement na kami kahapon. Dahil hindi ko maaatim na umupo muli sa upuang gume-gewang na nga, wala pang desk.

  Tahimik lang akong nag-mamasid sa loob ng room. Katulad ko may iba rin akong mga kaklase na walang makausap at tahimik lang na nag-mamasid. Pero kasi ang papanget nila kaya siguro walang nag-tatangkang kumausap sa kanila.

  Ang iba naman ay tawa nang tawa, kita na ang ngala-ngala. Bumaho tuloy bigla ang simoy ng hangin.

  'Yong iba ay nag-kukuwentuhan at mayroon ding nag-lalaro sa labas ng room namin. Isa na doon si Mr. White Teeth.

  2nd day pa lang naman kaya kerbs lang kahit walang kausap. Nahihiya pa siguro silang makipag-interact sa gorjas na tulad ko.

  Maya-maya pa ay dumating na si Ma'am Shelly. Kaya naman nag-sipasok na ang mga kaklase kong nasa labas at umayos na nang upo.

  Nakabusangot ang mukha ng adviser namin na para bang binagsakan ito ng langit at lupa.

  Akala namin ay magsisimula na itong mag-discuss pero pinatayo niya lang kami para mag-seating arrangement na naman.

  Napakagulo mag-desisyon ng teacher na ito. Pinanganak siguro siyang hindi sigurado sa buhay.

  Tinawag ni Ma'am Shelly ang mamahalin kong pangalan. Pinapunta niya ako sa Row 2 at pinaupo doon sa pangatlong upuan. Maya-maya pa ay tinawag na rin niya si Mr. White Teeth na ang pangalan pala ay Hanz.

Taste Of Love (Elementary Series 1: On-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant