Narinig ko naman ang pagtawa niya pero mahina na lang 'yun. Kinagat ko ang labi ko. Shet! Anong trip ngayon ng taong ito?

Kinuha ko naman ang ice tea juice sa ibabaw ng lamesa. At ininom ito.

"Kinikilig ka sa sinabi ni daddy noh mommy? Sobrang pula po kasi ng pisngi mo." Asar ni Nicky.

*Cough*Cough*Cough*

Bigla akong nabulunan ng iniinom ko.

*Cough*Cough*Cough*

"D*mn!"

Naramdaman ko naman na may humagod hagod sa likod ko. Hindi ko na lang 'yun pinansin.

"Okay ka lang?"

Laking gulat ko na lang ng may biglang nangpunas ang bibig ko. Bigla akong napatingin kay Nicholas.

Pero agad ko ding inalis dahil natamaan ko siyang nakatitig sa akin. Hindi din nakatakas sa mata ko ang pagkataranta niya at may nakita din akong pag-aalala sa mukha niya.

"O-Ok l-lang. Salamat,"

Huminga ako ng malalim na buntong hininga. Habol habol ko parin ang hininga ko hanggang ngayon.

"Sorry mommy," napabaling naman ako kay Nicky nang tingin ng bigla bigla siyang humingi ng paumanhin.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, anak. Wala kang kasalanan, okay? Nagulat ako kaya bigla akong nabulunan? Next time huwag mo akong bibiruin ng ganun a, magugulatin talaga ako e." Mahabang pahayag ko sa kanya at nginitian siya. Na nagsasabing wala siyang kasalanan, para hindi niya sisihin ang sarili niya.

Nakanguso lang siyang tumango sa akin at pinagpatuloy ang kumain. Medyo naging tahimik naman kami.

Nagdaan ng ilang minuto wala parin ang umimik sa amin. Kaya hindi ako nakatiis at ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Oh bakit ang tahimik niyo naman?"tanong ko sa kanila. At binigyan sila ng kunot noo.

'Aish! Nawala sa isip ko na ang dalawang lalaking kasama ko hindi pala pasalita. Halos mabibilang lang kung magsalita.' bawing sabi ko sa isipan ko.

Biglang napakamot ako sa kilay ko. Mapapanisan ako ng laway dito e.

Sinamahan ko lang sila ng tingin dahil walang sumasagot sa tanong ko. Padabog ko namang pinagpatuloy ang kinakain ko. Nakakasama sa pakiramdam a.

"What's wrong with your face? Parang pasan pasan mo ang problema."biglang imik ni Nicholas sa akin. Malapit sa tenga ko.

Bumaling naman ako sa kanya ng tingin at inirapan siya.

"Bakit hindi niyo pinapansin ang tanong ko ha? Para akong tanga na nagsasalita mag-isa." Inis kong sabi. Hindi ko alam kung bakit.

Nakita ko naman ang amusement na sumilay sa mata niya. Uminit naman ang pisngi ko dahil dun.

"My wife is bad mood. Hmmm!"

Nanlaki naman ang mata ko nang tinawag na naman niya akong wife.

'Nakakarami na itong katatawag sa akin ng wife ah. Lumevel-up. Noon fiancé lang ang tawag sa akin. Kikiligin na ba ako?' parang baliw kong sabi sa isip ko.

"Pansin ko lang ha, napapansin ko na kanina mo pa ako tinatawag na wife. Hoy mister sinong nagsabi sa'yo na asawa mo ako ha?"mataray kong tanong sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay.

Hindi ko na inutuloy ang kinakain ko dahil busy ako sa pagtataray sa ama ng kambal.

'Pero shh lang kayo a.... Para akong naiihi sa tawag niya sa akin na wife....ihh. kinikilig ako.' sa isip ko.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now