Chapter 19

6.8K 234 77
                                    


Liam Arquin Maze Derama





WALANG tigil sa pag-agos ng mga luha sa aking pisngi habang isa-isa kong ipina-pasok ang mga mahahalagang gamit ko sa may isang maleta na pag-aari ni Aze. Isinama ko na rin ang mga mamahaling bagay na ibinigay niya at iilang damit niya, tulad nung calvin klein na brief niya at mga cotton tshirt na lagi niyang suot suot, ang laptop na bagong model na pinaka-unang ibinigay niya sa 'kin, ang cellphone na aking ginagamit na bigay niya. At ang huling ibinigay niya, ang kwintas na may pendant na sing sing at sa loob ng sing sing ay may naka-ukit na pangalan niya.

"Ititinda o isasangla ko at hindi na tutubusin ang mga bigay mong kingina ka, para naman pakinabangan ka ng anak mo." Umiiyak na sabi ko.

Magp-paka layo layo ako, kami ng anak ko. Alam ko, alam ko na babalik yung lalakeng 'yon, hindi sa umaasa pa 'ko pero may gamit pa siya rito! At kung sakali mang bumalik siya, sisiguraduhin ko na wala na 'ko rito.

Nang matapos akong mag-impake ay binilang ko ang natitirang pera na hawak ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Limang libo itong hawak ko, pwede na 'to sa ngayon, pero hindi ito tatagal.

Madali kong nilisan ang bahay. Tinignan ko pa ito sa huling beses habang nagpupunas ng luha.

Nadaanan ko pa ang mga tambay at sinubukan nila akong tawagan ngunit hindi ko sila pinansin at dere-deretso akong naglakad.





HINDI ko alam kung saan na 'ko naka-rating kaya pagka-baba ko sa sinasakyan kong bus ay agad akong nag-tanong sa kundoktor.

"Manong, saan na po 'to?" Wala sa sariling tanong ko.

Tinignan naman ako ng lalake at mukhang hindi pa makapaniwala.
Syempre, sino bang matino ang sasakay sa sa sasakyan hindi man lang alam kung saan pupunta.

"Lasing ka ba, ganda?" Natatawang tanong niya.

"Ah ano basta, kuya, tangina tinatanong ko lang naman." Irita kong sabi. Hormones.

"Ay pasensya na. Pampanga na 'to, ganda." Aniya. Tumango lang ako at nagpa-salamat.

"Saan na 'ko nito pupunta?" Tanong ko sa sarili ko habang pasakay sa isang tricycle.

"Manong may alam ba kayong paupahan na bahay rito? Kahit bed size lang ho. Tapos mura lang ang upa." Tanong ko sa tricycle driver.

"Ano 'yon miss? Ah mayroon po. Kung gusto niyo ihahatid ko kayo." Masiglang aniya. Natulala naman ako nandahil sa itinawag niya sa'kin "miss."

"Hi missy, good morning. Sakay na kita. Libre lang." Nakangising bungad ni Aze na naka-sakay sa kanyang tricycle.

"Ha? Ako? Sigurado ka ha? Hindi na 'ko tatanggi." Masayang sabi ko. Ayos naman pala 'tong lalakeng 'to e.

"I'll take you with pleasure— i mean, i'll take you to your school safe and sound with pleasure." Marahang aniya. Itong mukha ko naman parang tanga, agad naman namula ang gaga.

"Dami mong sinasabi, malelate na 'ko!" Pilit na inis kong sinabi.

"Ma'am, bakit ho umiiyak kayo? Gano'n ba 'ko kapangit para makapag-paiyak ng dilag?" Dismaya niyang sabi.

Ma'am?

"Ate nalang ang itawag mo sa'kin, Kuya! Masakit na masakit na." Reklamo ko.

"P-pasensya na, Ate. Pasensya na talaga." Nahihiya niyang sabi. Bata pa 'tong tricycle driver na 'to, mukhang mabait pa. Sana lang hindi siya katulad ni Aze na manloloko. Mapag-balat kayo, at sa una lang siya matino.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now