Chapter 11

9.2K 261 37
                                    


Delivery.





BORING, wala kasi si Aze rito at ilang oras nang hindi tumatawag o nag-text man lang. Nag-trabaho kasi, mukhang busy na busy. Ta'mo mamaya niyan susulpot na naman dito at magrereklamo na pagod. Mangyayakap at manghahalik na naman.

"Tao po? Delivery po." Natigilan ako nang may tumawag na nang-galing mismo sa harapan nang bahay ko.

Umorder ba 'ko? Kinangina cash on delivery ba 'to? Sinong gago ang gagawa nito?

Parang ayoko nalang lumabas kasi wala akong pera, pero napilitan din dahil nakaka-awa si Kuya. Nang dungawin ko ang bintana nakita ko agad ang ngiting-ngiti si Kuya.

"Magandang hapon po, ma'am." Nakangiting bati niya. At dahil madalang lang ang magpa-deliver nang ganito ayan pinagtitinginan na naman ako ng mga kapit-bahay ko. Maganda ako ano?

"Ah opo, napaka ganda, ma'am." Napatingin ako kay Kuya na parang nangaakusa dahilsa naging sagot nito. Nakakabasa ba siya ng iniisip?

"By any chance, Kuya. Cash on delivery ba 'to?" Nahihiyang sabi ko. Tangina kuya maling address ho ata natanggap niyo.

Nangunot ang noo niya at kalauna'y natawa. "Uhm hindi ho, bayad na po." Sagot niya.

"Sigurado po ba kayo na rito naka-adress 'yang mga 'yan?" Alanganing tanong ko.

"Ah opo, Ayri Derama hindi po ba?" Pangu-ngompirma niya.

Nagugulohan akong tumango. "Pero hindi naman po ako nagpa-deliver."

Marahan siyang natawa sa tinuran ko. "Naku, baka may secret admirer po kayo, ma'am. Sa ganda mo pa namang 'yan." Aniya kaya natawa naman ako.

"Hay naku, kuya. Maliit na bagay po." Pabirong sabi ko at hinawi ang aking buhok.

"Hoy, ano 'yan ha? Ibigay mo nalang 'yang pagkain sa kanya. Pino-pormahan pa." Pareho kaming napa-tingin ni Kuyang delivery boy sa  gawi kung saan nanggaling ang boses na 'yon.

Si Roy at Gelo na parehong masungit na naka-pamaywang. Topless ang mga gago, naka-sampay pa sa kani-kanilang mga balikat ang damit nila.

"Ibigay mo na, tapos sibat na." Ani Gelo ma nagpa-taas ng kilay ko.

"Ulol, akala niyo naman kung sino kayo. Gusto niyo lang nito e, atat amputa." Inis na sabi ko nang ibigay ni Kuya ang dinedeliver niya at mabilis na umalis. "And naman nito, tulongan niyo nga 'ko." Utos ko.

"Tanginang mga 'to may pa-topless topless pang nalalaman e mga patpatin naman." Pabulong-bulong kong sabi habang nakasunod sa likod ng dalawa. Wala na akong buhat-buhat dahil silang dalawa na mismo ang nag-prisinta

"Naisip ko lang bigla. What if kayong dalawa ang magka-tuluyan?" Napatingin sila sa isa't isa dahil sa aking sinabi.

"Puta." Sabay nilang sabi at parehong naubo.

"May feelings siguro kayo sa isa't isa. Ang cute niyo pa naman. Pareho kayong bamboo. Patpatin." Sabi ko at kumuha ng yumburger mula sa supot.

"Oh, bakit ganyan kayo makatingin? Gusto niyo? Ulol bili kayo." Sabi ko at nanunuya ko itong nginuya.

"Sira ulong babae. Tara na nga tol. Baka maabutan pa tayo rito." Umiling iling si Roy at inaya na si Gelo paalis.

"Pangit ng call sign niyo. Tangina, tol? Tol lang? Dapat love. Oh heto, kuha kayo ng fries. Fries lang, sa'kin lahat ng burgers." Sabi ko.

"H'wag na, gutom ka pa sa hungry e. Tara na nga TOL." Ani Gelo. Sabi na e, ruler na lang ang straight ngayon.

Habang nilalantakan ko mga pagkaing natanggap ko ay naisipan kong mag-picture at i-story ito sa instagram. Iflex ko lang naman. Sarap e, tapos ang dami pa. Social climber ba.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now