Chapter 1

27.3K 481 108
                                    


Driver



“OY Tisay, bakit ikaw ang nag-iigib ng tubig?” Tanong ni Jobert. Isa sa mga tambay sa tindahan ni Aling Lea.

“Alangang ikaw pag-igibin ko? Tangina ka.” Iritang sabi ko. Nagtawanan naman sila ng mga kasama niya.

Ang init init na nga sumasabay pa ang mga pesteng ‘to. Mga walang magawa sa buhay.

“Tulongan na kita, Ayri.” Marahang ani Angelo.

"Yun oh! Baka Gelo na’tin ‘yan, anak ni Aling Lea."

"Aling Lea! Anak niyo, wala pang trabaho, umaarangkada na!" Asar ng mga tambay kay Angelo.

Nailing ako sa kanila at tinignan si Gelo. “H’wag na, tulongan mo nalang sarili mo. Mag-trabaho ka. Ambag ka muna sa pamilya mo.” Sabi ko.

Halata naman kasing gusto niya ‘ko. Grabe itabi niyo. Ako lang ‘to.

Nilagpasan ko lang sila ‘saka pinag-patuloy ang ginagawa ko. Lalabhan ko kasi ang marurumi kong damit at maglilinis ng bahay pagkatapos. Ayoko namang do’n sa poso mag-laba, baka pagnasahan ako. Iba pa naman ang alindog ng isang Ayri.

“UY ‘DIBA RED DAYS MO NGAYON? BAKIT 'KAW NAGBUBUHAT NIYAN?” Malakas na sigaw ni Ciel.

“Hala sige i-sigaw mo pa. Sa’yo ko sasayangin ‘tong tubig na ‘to.” Nakangiti kong sabi.

“Tulo-Ah!”

“Ay gago, tang ina mo, bobo!” Sabay naming sigaw ni Ciel dahil sa mabilis at dere-deretsong tricycle.

Pinag-patuloy ko rin ang pagmumura ko nang mahina habang naka-takip ang dalawang tenga. Mamamatay na rin ako, lulubos lubosin ko na.

Buti naman pala inabala ako ng mga tao, kaya hindi ko buhat buhat ang timba. Kung hindi aba mamamatay nalang ako madadaganan pa ang magaganda kong daliri sa paa.

“Uy gaga, nakakahiya ka na.” Kalabit ni Ciel. Ay nasa impiyerno na rin siya? Teka nasa gilid lang siya ah? Gano’n ka lakas ‘yong impact?

“Tarantado, dipota, punyeta, fvck shit, baby girl.” Patuloy pa’rin ako sa pagmumura, at kung ano ano na rin ang pinagsasabi ko.

Natigil lang ako nang biglaang hinila ni Ciel ang buhok ko nang pagka-lakas lakas. Agad kong binuksan ang mga mata ko, at akmang gaganti sa kanya.

Tangina nito, akala ba niya uurungan ko siya dahil lang nasa impyerno kami? NO NA NO FOR YOU!

Ngunit natigilan ako nang makita ko ang mga tao na pinagtitinginan kami at tawang tawa. Kabilang do’n ang mga tambay at syempre ang mga kumare ni Aling Lea.

Nang tignan ko ang tricycle. Aba tangina mabuti nalang at malakas lakas ang preno.

“Mabuti nalang at hindi nagasgasan ang tricycle ko.” Rinig kong sabi ng tricycle driver na naka yuko sa motor niya. Infairness, ang sexy nang boses!

Nang titigan ko ito, siyang ikina-tigil ko. Ang gwapo, mukha siyang Afam! Malaki ang katawan niya, at dahil sa suot niyang white tee shirt ay lalong lumitaw ‘yon. May kahabaan ang buhok niya, gano’n rin ang mga pilikmata niya. Nang tignan ko ang kamay aba malaki at maugat. Malaki din kaya ‘yong sa baba? Gaano kaya kadalas ‘to mag-jabol?

“Hahara hara ka kasi e.” Saad niya saka tumayo ng tuwid kaya natigilan ako. Ang tangkad niya! Hanggang dibdib niya lang ata ako.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now