PROLOGUE

69.7K 810 336
                                    

Daddys Series #1: Hacious Rousseau Ruiz

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictious manner. Any reassemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be aware that this book contains some typographical and grammatical errors.

THIS IS STRICTLY ONLY FOR OPEN MINDED PEOPLE.





HUMINGA ako nang malalim habang sinisilayan ang malaking gusali sa harapan ko. Hay, pang-ilang trabaho na ba 'to? Kailan naman kaya ako tumagal sa mga trabaho na na-pasokan ko?

Unang araw ko ngayon sa trabaho, sana swertehin ako.

Matamis akong ngumiti at tumawid sa kabilang kalye. Hindi naman kasi sa gusaling 'yon ako magta-trabaho. Kun'di sa tapat nitong karinderya.

Dere-deretso kong tinahak ang loob ng karinderya at lumapit sa may kahera.

"Uh, magandang araw ako nga pala 'yong aplikante na inaasahang magsi-simula na ngayon." Magiliw kong ani sa kahera.

"Ah, ikaw ba 'yon? Aba'y teka at tatawagan ko si Inang." Anya at nagmamadaling tumungo sa isang silid. Mukha naro'n ang tinatawag niyang Inang.

Nakaraan ang ilang minuto ay lumabas din siya at kasama na ang matandang babae na nakausap ko kahapon.

"Oh ineng, dala mo na ba ang bayodita mo?" Aniya habang pinu-punasan ang kanyang magka-bilang kamay sa apron na naka-suot sa kanya.

"Ah oho, heto ho." Mabilis kong hinalungkat ang bag ko at iniabot sa kanya ang aking bio-data.

"Oh siya ija. Maaari ka ng mag-simula ngayon. Gemma, ituro mo ang mga kailangan at hindi dapat gawin sa kanya." Aniya. Agad namang lumapit ang babae na kanina pa nakiki-usyoso.

"Magandang umaga, ako si Gemma." Magiliw na aniya.

Ngumiti naman ako sa kanya at binati siya pabalik."Magandang umaga, ako si Ayri."

Pagka-tapos ng mahaba-habang pagpapa-kilala ay sinimulan ko na niya ang pagtuturo sa 'kin.





"HAY... ka-pagod." Reklamo ko sa aking sarili habang mina-masahe ang aking leeg.

"Naynay ko, masahe ko likod mo?" Isang maliit na boses ang aking narinig mula sa aking likod ang nagpa-pitlag sa 'kin.

Agad akong lumingon sa aking likuran at pinag-masdan ang gwapo kong anak.

Agad siyang lumapit sa 'kin at pinindot-pindot ng kanyang maliliit na kamay ang aking likuran.

"Ayri-girl!" Matinis na sigaw ni Ciel sa bungad ng bahay namin.

"Ingah mo naman, tita. Busalan kaya na'tin bunganga mo?" Naka-simangot na anang anak ko.

Ako nama'y natawa ay sinaway siya. Sina-saway ko naman siya, pero hindi talaga maawat ang bibig niya kung minsan. May pinag-manahan naman.

"Ikaw kaya busalan kong bata ka? Hm? Masyadong pasmado 'yang bibig mo ha." Ani Ciel at pinanlakihan ng mata ang anak ko.

"Nay-nay oh si Tita!" Nang-hihimutok na aniya.

"Ano ba 'yon, Ciel? Sabihin mk na at nang maka-layas ka na." Pa-biro kong sabi.

Hinawakan naman ng inggrata ang dibdib niya at umakto na parang nasasaktan. "Ang sakit niyo talagang mag-ina."

"Ang oa mo nama-"

"Shh, huwag kang maingay. Heto sampung piso oh." Agad na bara ni Ciel kay Liam, at inabutan siya ng limang piso.

Kinuha naman 'yon ng anak ko ngunit nag-reklamo pa. "Limang piso lang, Tita?" Busangot na aniya.

"Dagdagan ko na lang 'yan mamaya. Basta makipag-laro ka muna r'yan. May paguusapan lang kami ni Nay-nay mo." Ani Ciel.

Masunurin namang tumango ang anak ko at ngumiti, dahilan kung bakit lumubog ang singkit niyang mga mata at lumitaw ang malalim na dimple sa kanyang pisnge.

Heto ang dahilan kung bakit pina-haba ko nang husto ang kanyang buhok. Kamukhang kamukha niya ang ama niya.

"Okay, thank you Tita kong maganda!" Aniya at mabilis na nag-lakad palabas.

"Ingat anak! Huwag kang makikipag-away." Habilin ko nang kumaway siya sa may pintuan.

"Opo, Nay-nay ko. I love you po!" Masiglang aniya at mabilis na umalis.

"Heto na nga ang chika ko, Ayri!" Tsaka lang nabaling ang atensyon ko nang nag-salita na naman ang gaga.

"Ano na naman 'yan? Noong isang araw muntik ka ng ipa-baranggay dahil ikinalat mo na buntis ang anak ni Aling Minda." Iiling-iling na ani ko na nakapagpa-busangot sa kanya.

"Iba na 'to, gaga. Sana naman kilala mo pa si Haru."

"Oh? Ano naman ngayon?" Walang gana kong sabi.

"Naku, sis! Nandito siya!" Tila excited pa na aniya.

"Nandito lang pala siya, ano nama- teka, ano?!"

"Nandito siya!"

"Si Haru? As in Haru talaga na tricycle driver??" Kinakabahang ani ko.

"Oo, sis. Hysterical ka ngayon. Simulan mo nang mag-plano kung paano maitatago sa aparador 'yang pogi mong anak. Kung si Hugo na-pakiusapan mo, sa tingin ko medyo malabong ma-pakiusapan ang hilaw na Ama ni Liam. Lalo pa't, alam na na'tin ang kaya niyang gawin." Inis na ani Ciel at pina-ikot ang kanyang mga mata. Tila ba galit na galit ito kay Haru.

Sa bagay... sino bang hindi magagalit sa putragues na 'yon? Tama lang ang ginawa kong ilayo ang anak ko sa kanya.

Wow, nilayo?? Hinanap man lang ba kayo ha? Sigurado namang hindi dahil sa 'min kaya narito siya. Pamilyadong tao na 'yon, Ayri.

Dismayado lamang akong napa-iling at tumingin sa kawalan.

I need to move on, already.

Pahihirapan ko lang ang mga naka-paligid sa 'kin.

Ano pa't, nakayanan naman anmin ang mga nakalipas na taon na wala siya?

-

I changed some of the characters' names po. Hope you'll still support me and this story.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now