KABANATA 14

32 6 7
                                    

TILA ako nabunutan ng tinik sa dibdib nang malaman na hindi galit ang mga magulang ni Jairus. Pag-uwi ko sa bahay ay tulog pa rin siya kaya minabuti ko na lang muna na gumawa ng gawaing bahay. Habang abala ako sa paglilinis ay napaisip ako kung nasaan nga kaya ang puntod ng mga yumao naming magulang ni Yrich. Ni hindi man lang namin nakita ang banggay nila na nakaburol.

“Kuya pwede po bang patulong?” lumapit sa akin si Yrich hawak ang isang papel. Ipinakita niya ito sa akin at isa itong enrollment form.

“Mag-e-enroll ka na?” excited kong saad.

“Opo, magte-take din ako ng ALS,”

“Excited ako para sa 'yo,” tinignan kong muli ang enrollment form niya pero wala akong maintindihan dito, hindi ko alam kung anong ilalagay rito. “Kaso . . . hindi ko kasi alam kung anong ilalagay rito.” kamot batok kong saad at ibinalik ito sa kan'ya. Malungkot naman niyang tinanggap ang enrollment form niya.

“Ano ba 'yan?” muntikan na akong mapatalon dahil sa gulat nang may magsalita mula sa likod ko.

“Magfifill up po ng enrollment form pero hindi naman namin alam ang ilalagay,” inabot niya kay Jairus ang enrollment form niya.

“I can help you with this,” napalitan naman ng masaya ang kanina lang ay malungkot na mukha ni Yrich. Pumunta sila sa sala at doon itinuro ni Jairus ang mga ilalagay sa form. Nang natapos ako sa paglilinis ay pinuntahan ko sila at nadatnan na nagkukulitan. Nakangiti ko lang silang pinagmasdan at hindi muna sila inistorbo. Napatingin ako sa kamay ko at napansin na hindi ko suot ang kapirasong tela na isinout ni Jairus sa akin. Hinanap ko ito sa kwarto at nakita ko ito sa tabi ng singsing na bigay rin niya. Naisip ko na itali ang tela sa singsing at saka ito isinuot.

Bumalik ako sa sala at nandoon pa rin sila at nagkukulitan. Lumapit na ako sa kanila at nakisali.

“Ang cool naman niyan Kuya, saan mo binili? Magkano?” tanong ni Yrich. Ang tinutukoy niya ay ang suot kong singsing.

“Ito ba 'yong singsing at tela na isinuot ko sa 'yo?” Hinawakan naman ni Jairus ang kamay ko at pinagmasdan ito.

“Oo,” tipid pero kinikilig kong sagot dahil sa paghawak niya sa kamay ko.

“May kailangan pa pala akong gawin, maiwan ko na po muna kayo,” nagmadaling umalis si Yrich at nagtungo sa kwarto niya.

“Maayos na ba pakiramdam mo?”

“Ayos na ako lalo na't kasama kita,” banat niya. Ang corny pero nakakakilig.

“Kikiligin na ba ako?” seryoso ang mukha ko pero sa loob-loob ko ay namamatay na ako sa kilig.

“'Wag kang magpigil ng kilig, sige ka baka bigla na lang 'yang sumbog,”

“Hindi kaya ako kinikilig,” pagtanggi ko.

“Bakit mainit ang pisngi mo kung 'di ka kinikilig?” Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagyang pinisil. Agad ko namang tinanggal ang kamay niya at itinago ang mukha ko. Natawa na lang siya sa ikinilos ko at ganun din ako.

“You're so cute when your cheeks turns to red,”

“Ang bolero mo talaga,” pipisilin ko sana ang ilong niya pero pilit niya itong inilalaya. Sa sobra kong pagkagusto na mapisil ang ilong niya ay napahiga ako at pumaibabaw naman sa akin si Jairus. Ilang minuto kaming nagtitigan at ilang saglit lang ay nagdampi ang aming mga labi.

“I can't wait to call you asawa ko,”

“Kung gusto mo, pwede mo na ako tawaging asawa ko . . . dahil ikaw ay akin at ako'y magiging sa 'yo lamang, asawa ko,” nagpatuloy kami sa romantikong halikan na hindi na namin namalayang muntikan na namin gawin ang bagay na dapat kami lang ang nakakaalam. Mabuti na lang at naalala kong nasa kwarto si Yrich, kung hindi ay baka naabutan kami dito.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon