KABANATA 4

57 8 1
                                    

LOGAN

BAKIT kailangan itong mangyari? Bakit si Yrich pa?

Pasuray-suray ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Hindi ko nga alam kung tama pa ba ang dinadaanan ko. Tumigil ako nang maramdaman na para bang babaliktad ang sikmura ko. Sumandal ako sa pader at inilabas ang mga nakain at nainom kong alak. Gumaan ang pakiramdam ko matapos niyon kaya nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

“Miss, mukhang marami ka atang nainom, baka gusto mo ihatid na kita,” may kung sino ang biglang humawak sa kamay ko.

‘Huh? Miss?’ Tumingin ako sa suot ko at napagtantong di nga pala ako nakapagpalit— suot ko pa rin ang dress at wig na ginagamit ko sa club.

Kumapit yong lalaki sa balakang ko. Pilit kong tinatanggal ito pero pilit niya rin itong ibinabalik. Tinignan ko siya ng masama at ang loko ay tinawanan lang ako. Aba, anong akala niya, wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko dahil lasing ako? P'wes nagkakamali siya, iniharap ko siya sa akin saka ako ngumiti.

“Ikaw!” natatawa akong tumakbo paalis sa kinaroroonan nung lalaki. Napapasigaw at namimilipit siya ngayon sa sakit dahil tinuhod ko lang naman ang junior niya.

Sumandal ako sa pader nang makaramdam ng pagod sa kakatakbo. At kung minamalas nga naman ako. Ngayon ko lang napansin na nakahinto ako sa lugar kung saan may mga nag-iinuman. Napatingin silang lahat sa akin at ang iba ay napasipol pa. Mga bastos. Umiwas na lang ako ng tingin at naglakad paalis. Tumakbo naman ang isa sa kanila at hinarang ang dadaanan ko.

“Baka pwedeng samahan mo muna kami. Birthday kasi ng kumpare namin,” Itinuro niya ang medyo matabang lalaki na may peklat sa mukha at braso. Ang pareho niyang peklat ay tila ba kalmot ng isang mabangis na hayop.

“Wala akong pake kung birthday pa niyang kumpare niyo, uuwi na ako kaya padaanin mo ako,” mataray kong turang sa kanila. Nakakairita lang dahil tinawanan lang nila ako. “Mga baliw ba kayo? Umalis ka nga,” tutuhorin ko din sana ang junior nung lalaking nakaharang sa akin pero kaagad siyang nakaiwas.

“Ops! Wag to,” umiling-iling siya ng ulo. Lumapit na ang iba pa niyang kasama at pinalibutan ako. “Sumama ka na lang kasi sa amin ganda,”

“Tigilan niyo nga siya,” Napalingon kaming lahat sa kung saan nanggaling ang boses. Lumabas ang isang lalaki mula sa dilim at unti-unti kong nakita ang isang pamilyar na mukha.

“At sino ka naman?” tanong nung medyo matabang lalaki na may peklat sa mukha at braso.

“Boyfriend niya ako, kaya tigilan niyo siya,”

“Anong boy—” Pinandilatan niya ako ng mata at parang alam ko na kung anong tumatakbo sa isip niya.
“Oo, boyfriend ko siya, kaya lagot kayong apat na mukhang tuko,”

“Sugorin niyo siya,” utos nung medyo matabang lalaki. Sumunod naman yong tatlo at inatake yong lalaki. Habang abala sila sa mag-aaway ay palihim akong tumatakas.

Isang lingon, isang lingon at napahinto ako sa paglalakad. Nakasalampak na sa lupa yong lalaki at balak  siyang hampasin nung isa sa mga lalaki.

‘Tuloy lang Logan, wag ka ng makigulo pa,’ nagtatalo ang isip ko kung tutulungan ko ba yong lalaki o hindi. ‘Logan, wag na, chance mo na to para tumakas,’

Itinaas na nung isang lalaki ang hawak niyang tubo. Napatakbo ako sa kanila at tinulak ang lalaking may hawak na tubo.

‘Sabi ko umalis ka na ba't ka pa nakisali sa kanila, bat ka pa kasi lumingon,’

Hinatak ko yong lalaki at sabay kaming tumakbo. Tumakbo kami at nagtago sa isang iskinita. Mga ilang minuto, nang makalampas sila sa amin ay saka kami lumabas at mabilis na nagtungo sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang nakapasok na kami sa loob.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now