KABANATA 6

36 6 2
                                    

ISANG lalaki ang pumunta sa bahay at pinapasundo raw ako ni Jairus. Ilang minuto rin kaming nagbyahe bago marating ang destinasyon namin. Bago ako bumaba sa kotse ay tinakpan nila ng panyo ang mga mata ko at inalalayan akong maglakad.

Tumigil kami at ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin, rinig ko rin ang mga alon ng tubig at mukhang nasa dagat kami ngayon. Tinanggal nila ang panyo sa mata ko at hindi nga ako nagkamali dahil nasa tabing dagat kami ngayon. Nasa gitna ako ngayon ng mga makukulay na bulaklak na hugis puso. Bigla namang umingay ang paligid nang lumabas si Jairus na may dalang gitara saka lumapit sa akin.

Nag-umpisa siyang patugtugin ang dala niyang gitara na tila ba ako ay hinaharana. Ramdam kong namumula ang mga pisngi ko kaya sa iba ako tumitingin. Ang mga tao sa paligid ay sumasabay na rin sa pagkanta ni Jairus at ang iba naman ay hindi na mapigilang mapaindak.

Lumuhod si Jairus kasabay nang paglabas niya ng isang maliit na kahon na kulay itim. Lalong lumakas ang hiyawan ng tao pero ang tanging naririnig ko lang sa ngayon ay ang boses ni Jairus na nagtatanong ng... “Will you marry me, Cristine?”

Humawak ako sa dibdib ko. Alam kong mangyayari ito at napaghandaan ko na rin ito pero bakit na blablangko ang utak ko? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit tila kinikilig ako? Alam kong peke lang ang lahat ng ito, pero bakit?

“Say yes! Say yes!” kantyaw ng mga tao. Tumingin ako sa mata ni Jairus, kumindat ito, tanda na dapat ko nang sagutin ang tanong niya.

“Yes!” sigaw ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit at dahan-dahang isinuot ang sing-sing. Nagulat nang bigla niya akong halikan sa labi. Wala iyon sa napag-usapan namin, pero bakit hindi ko siya mapigilan? Kahit gusto ko siyang itulak ay hindi gumagalaw ang katawan ko.

“S-Sorry,” saad niya at umiwas ng tingin. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gulat pa rin sa paghalik na ginawa niya.

“Ikaw pala ang babaeng tinutukoy ng anak ko,” isang nasa fifty na babae ang lumapit sa amin kasama ang isang nasa fifty na rin na lalaki.

“Yes Ma, siya si Cristine Fajardo...Cristine siya nga pala ang Mommy ko at siya ang Daddy ko,” pagpapakila niya sa magulang niya.

“Nice to meet you Iha,” saad ng Daddy niya at nakipagkamay, ganun din ang Mommy niya.

“Nice to meet you din po, Misis and Mister Monterolla,”

“Just call me Tita Agatha...” Itinuro niya ang sarili niya. “...at Tito Ben, short for Benjamin.”  Itinuro naman niya ang katabing asawa

“Pero...parang familiar ang surname mong Fajardo,” napaisip ang Mommy ni Jairus. “Parang narinig ko na somewhere,”

“Baka isa sa mga naging kliyente natin?” dagdag naman ng Daddy ni Jairus.

“Siguro nga...” Tumingin sa akin si Tita at hinawakan ang mukha ko. “Welcome to our family, Cristine,”

DUMERETSO ako sa hospital nang makatanggap ng balita na gising na ang kapatid ko. Pagdating ko doon ay nakita ko siyang nakaupo sa higaan niya habang kumakain ng orange. Kaahad ko siyang niyakap at nagtatalon sa saya. Dubleng kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon.

“Relax lang Kuya,” natatawang turan ni Yrich.

Kinalma ako ang sarili ko at umupo sa tabi niya. Naasikaso ko na rin ang paglabas niya noong nakaraan kaya pwede na siyang lumabas mamaya.

“Ready ka na ba lumabas?” tanong ko sa kan'ya. Nagliwanag naman ang mata niya at doon palang ay alam ko na agad ang sagot niya. “Pero sa ibang bahay na tayo titira,”

“Sa iba na? Bakit po?”

“Ikwe-kwento ko mamaya. Nakahanda na ba ang mga gamit mo?” Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Mga ilang saglit lang ay nagpaalam na si Yrich sa mga nakasama niya dito sa hospital. Sa tagal ba naman niya rito ay may mga naging kaibigan na siyang mga pasyente at ilang nurse. Maiyak-iyak pa siya habang nagpapaalam kaya hinahgod ko ang likod niya upang patahanin siya.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now