"Sa kanya mo tanungin.Huwag sa akin."aniya.

Nanahimik na lamang ako.Nabalik ang atensyon ko sa harapan.Kahit hindi siya tumitingin sa amin ni Milan kita ko ang mumunting pag igting ng mga panga niya na pilit niyang tinatago.

"Beard!"mabilis namang naghiyawan ang mga kalalakihan sa itaas lang namin.Natuon dito ang mapanuri niyang mga mata.Tila'y may hinahanap.Nanatili ang mga mata niya sa itaas na bahagi nito bago ito bumaba para tingnan ako.
Kumabog nang husto ang aking dibdib nang makita ang pagtitimpi sa itsura niya.
"Skin!"salita niya.Inalis niya ang tingin sa akin at inilipat ito sa katabi naming bleachers.
Halos nakasuot ng kulay kayumanggi ang mga kalalakihang naroon kasama ang mga babaeng dala nila.Kumaway pa ang mga ito sa kay skull at bahagyang yumuko para magbigay galang sa kanya.Nakaramdam ako nang panginginig sa aking katawan.Animo'y may kanina pang nakakatitig sa akin.Hindi ko alam kong saan o sino sa mga kalalakihang nakaupo ngayon sa bleachers ang nakakatitig sa akin.Nanindig ang mga balahibo ko sa batok.Humigpit ang paghawak ko sa burger na hawak.Pilit kong nilunok ang laway at kinagatan ito.
Hindi iyon ramdam ni Milan.Nanatili ang mga mata nito sa loob ng ring kung saan nagkaharapan na ang dalawang malalaking lalaki.

"Fight!!"naagaw lamang ang atensyon ko nang malakas na nagsalita ang emcee.Nasa kanya na ang mic.Wala narin sina Skull at James sa gitna nito.Saan na sila?

"Magsisimula na Zoilla."usal ni Milan.Kita ko ang pagguhit nang masayang pag ngiti sa labi niya sa nakikita.
Natuon ang mga mata ko sa loob ng MMA ring.
Nagsisimula nang mag away ang dalawa sa loob.
Mabibilis ang bawat pagkilos ng mga kamay nila at paa para sanggain ang bawat bato ng suntok at sipa sa katawan nila.Nanahimik ang buong paligid dahil sa nagsisimulang laban.Excitement goes to my veins when I saw how the bald guy kick the red guy on his chest.Mabilis itong mapaatras at napahawak sa kanyang dibdib.Napasandal ito sa pader but before the bald guy lunch his another kick he suddenly cover himself with his arm as he kick the legs of the bald guy.
Mabilis itong nakaalis sa pader at siya na naman ang sumipa dito na mabilis naman nitong nasangga with his arms.Naging mainit ang laban ng dalawa.Walang nagpapatalo.Kahit ang mga manonood nakatutok na lahat sa kanila.Napansin kuna rin ang mga babaeng nangongolekta ng pera kanina na bumababa na papunta sa gilid ng MMA ring at doon na muna tumayo habang kumikimbot.Pawang nakangiti at hindi alintana na halos kapusin na ng tela ang mga kayamanang hindi dapat makita nang maraming kalalakihan dito sa loob.

"You dumbass!"

"Asshole!"

"Kill him!"

"Idiot!"

"Give me back my money!"

Doon lamang naagaw ang atensyon ko nang magsigawan ang lahat.May ibang tumayo na sa bleachers at bumaba na sa ilalim.Nagsisigawan at hindi mapakali.Panay ang pag buya nang masasamang salita sa lalaking nasa loob ng ring.May ibang nagtutulukan na.
Nang mabalik ang mga mata ko dito doon kuna nakita ang dalawang lalaki na naglalaban kanina na nakabulagta na ngayon sa sahig.Wala nang malay.Sa tabi nila nakatayo ang lalaking leader ng bones group.Nakangisi sa lahat habang kumakaway pa.

Sinenyasan pa nito ang emcee na ibigay sa kanya ang mic na kaagad naman nitong binato sa kanya sa loob na agad naman niyang sinalo.

"Pasensya na sa abala.Gusto ko lang sanang sabihin sa lahat na may naaamoy ako sa isa sa mga babae ditong hindi pa nakakatikim ng lalaki!"salita niya.Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig.Mahigpit na hinawakan ni Milan ang kamay ko nang mapansin ang panginginig ko.Tumayo narin ito kaya sumunod narin ako.

"Gusto kong mapa sa akin siya ngayong gabi..."hindi paman nito natapos ang sasabihin nang may mabilis nang humablot sa kaliwang kamay ko para hilahin na palabas.Nabitawan ko si Milan at hindi na siya nakasunod pa dahil sa bilis nang pangyayari.
Nakisiksik kami sa tumpukan ng mga kalalakihan sa harapan ng stage hanggang sa matunton namin ang exit.Ni walang salitang lumabas sa bibig ko bukod sa aking mahinang pag impit dahil sa higpit nang pagkahawak nang humila sa akin.

Captured By The Prince √Where stories live. Discover now