Cara"Ano po ang ibig sabihin nito?! Anak niyo po si cara! Pinag palit niyo po sya sa kayamanan!?" Galit na saad ni linda. Hinawakan ko ito upang kumalma.
Napapikit ako ng buhusan kami ni inay ng malamig na tubig
"Wala namang pakinabang saamin ang batang iyan! Isa pa! Hindi ko naman tunay na anak ang batang y—" napatigil si inay ng ma realize nito ang mga pinag sasabi. Sinaaman kami ng tingin nila inay at itay bago isara ang pinto
Parang tumigil ang lahat saakin. Si inay na kamo ang nadulas.
H-hindi nya ako tunay na anak
Napaiyak ako sa aking nalaman. Kita ko ang awa sa mga mata ni linda habang naka tingin saakin.
"Nakita mo na ang pamilya mo. Bumalik na tayo" kinilabutan ako sa baritonong boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon at nagulat ng makita ang aking asawa
"They're happy with their life wife, now let's go" seryosong saad nito. Umiiling iling na lumayo ako dito ngunit napangiwi ako ng hawakan nito ang braso ko. Napaiyak ako dahil sa higpit ng pag kaka hawak nya
"S-sir!" Pigil ni linda. Napatigil si linda ng matalim syang tinignan ng aking asawa "Subukan mo pang maki alam at sinisigurado ko sayo na wala akong ititira sa pamilya mo" malamig na saad ng aking asawa. Hindi nakakilos si linda at umiiyak na lamang akong tinignan
Pilit na ngumiti na lamang ako bago mag pa tianod sa aking asawa. "You cannot escape from me wife." Malamig na saad nito.
Ng maka rating kami sa kanyang kotse ay pabalibag nya akong isinakay dito. Nanginginig na niyakap ko ang aking mga tuhod. Ramdam ko ang panginginig ng aking bibig.
Sasaktan nya nanaman ako
Sa isiping iyon ay agad akong napahagulgol. "Fck it! Stop crying!" Galit na saad nito. Nanginginig na tinakpan ko ang aking bibig upang hindi na makagawa ng ingay na ikaka inis nya
Tahimik syang nag mamaneho habang sinusubukan kong hindi makagawa ng ingay
Huminga ako ng malalim
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata
![](https://img.wattpad.com/cover/310203329-288-k142997.jpg)
YOU ARE READING
His Wife
RomanceThe Art Of Forgiveness (Photo not mine credits to the rightful owner)